Monday , December 23 2024
The Kids Choice
Leadership course sa Harvard, nasagasaan ng Tres Samantala, ang promo ng pelikulang Tres ang dahilan kung bakit hindi natuloy si Jolo sa Harvard University in Boston, Massachusetts para sa short course ng Leadership na dapat ay nitong Setyembre 10 na ang simula. “I’ll be leaving on November, may makakasabay naman ako si Janella (Ejercito – San Juan Vice Mayor), she’s also going to Harvard. I’m excited kasi hindi lahat ng tao nabibigyan ng chance na matanggap ng executive course sa Harvard. It’s going to be a month or less kasi crash course naman ‘yun so magli-leave muna ako sa work (kasama na ang FPJ’s Ang Probinsyano),” kuwento ni Jolo. Dagdag pa, ”kung September, two weeks lang, ‘pag November hindi ko pa alam kasi hindi ko pa nakikita ‘yung syllabus.” Anyway, mapapanood na ang Tress a Oktubre 3 na action trilogy na unang beses mangyayari sa kasaysayan ng pelikula dahil kadalasan ay puro love story o drama. “Oo, first time ito, kumbaga hitik lahat sa aksiyon, may kanya-kanyang kuwento,” sabi pa ng aktor. Ang episode ni Jolo ay ang 72 Hours (Dondon Santos), Amats naman kay Luigi (Dondon Santos), atVirgo kay Bryan (Richard Somes) mula sa Imus Production.

The Kids Choice, original concept ng Dos

SITSIT ng aming kausap sa ABS-CBN, iiwasan na nilang bumili ng reality/game show program dahil kaya naman gumawa ng original concept.

“Ang mahal kasi ng franchise, puwede namang bumuo, kaya naman ng Dos, eh. Magagaling naman ang think tank ng bawat unit. Kung ano na lang ‘yung existing ‘yun na lang ang ie-ere sa bawat season kasi may contract ‘yun.”

Pero ‘yung mga Asianovelas/Koreanovelas ay tuloy-tuloy pa rin.

Ang ilan sa reality/game shows na may existing contract pa ay ang The Voice of the Philippines, I Can See Your Voice, Pinoy Big Brother, Pilipinas Got Talent at hindi lang namin alam kung ire-renew ang Kapamilya, Deal or No Deal.

Ang The Kids Choice ay original concept na halos isang taong binuo at kapag nag-click ay posibleng magkaroon ng susunod na season.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan


Jolo, binasag ang pananahimik — Yes, I’m single
Jolo, binasag ang pananahimik — Yes, I’m single
Leadership course sa Harvard, nasagasaan ng Tres
Leadership course sa Harvard, nasagasaan ng Tres
NaK, ‘di mabitawan ng mga manonood
NaK, ‘di mabitawan ng mga manonood

About Reggee Bonoan

Check Also

Sue Ramirez Dominic Roque

Dom at Sue exclusively dating

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ABA’Y date movie na rin lang ang usapan, sure na sure …

Miles Ocampo Elijah Canlas

Balikang Elijah at Miles posible, nahuling naghahalikan

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AT dahil kumalat na naman sa socmed ang “kissing scene” ng …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *