Friday , January 2 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
coco martin ang probinsyano

Subtitle ng FPJAP, hiling ng may mga kapansanan sa pandinig

MAY nakarating sa amin na dapat ay tumahimik na lang si Mystica sa kanyang pagpaparamdam kay Coco Martin sa kagustuhang bumalik sa showbiz sa pamamagitan ng FPJ’s Ang Probinsyano. Alam ng nakararami na maraming binuhay na karir ang aktor/direktor sa mga artista noon na nawala na sa limelight.

Tulad ni Lito Lapid na nawala sa sirkulasyon dahil sa pagpasok sa politika na ngayon ay gabi-gabing napapanood. Pati si Whitney Tayson na umariba noong kasikatan ni Mystica mismo.

Patuloy ng aming source, dapat hindi nag-ingay si Mystica dahil nabasa ito at napanood sa TV na nagmamakaawa kay Coco na kunin siya at buhayin ang karir. ‘Ika nga, malay natin, baka naka-line-up ang Split Queen kaya lang na-pre-empt sa ginawa niya.

Samantala, may grupo ng manonood ang nag-request na lagyan ng subtitle ang action serye para sa mga bingi o may kapansanan sa pandinig.

Anila, gabi-gabi silang nakatutok sa palabas pero dahil may kapansanan  sa pandinig ay hindi nila maintindihan ang pinagsasabi ng mga karakter.

STARNEWS UPLOAD
ni Alex Datu


Nick Perez, uuwi para sa Star Awards for Music
Nick Perez, uuwi para sa Star Awards for Music
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Datu

Check Also

Ronnie Liang surgery

Ronnie Liang may palibreng cataract surgery 

RATED Rni Rommel Gonzales ARTIST ng Sparkle GMA Artist Center si Ronnie Liang at kaka-renew lamang niya …

Vilma Santos

Vilma hinusgahan, may nilinaw sa publiko

PUSH NA’YANni Ambet Nabus LITERAL na ginamit ng ilang mga socmed peeps ang ipinahayag ni Gov. …

Carla Abellana Dr Reginald Santos Tom Rodriguez

Tom at Carla unforgettable ang December 27 

I-FLEXni Jun Nardo KAPWA unforgettable ang date na December 27, 2025 sa ex-couple na sina Carla …

Purple Hearts Foundation Love Kryzl

Purple Hearts Foundation naghatid- saya sa Year-End Gift-Giving Outreach sa mga karatig-barangay

MATAGUMPAY na naisagawa ng Purple Hearts Foundation sa Kryzl Farmland ang Purple Hearts Foundation Gives Back, year-end outreach …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …