Saturday , February 4 2023
Lito Lapid
Lito Lapid

Sen. Lapid positibo Sa CoVid-18

NAGPOSITIBO sa CoVid-19 si Senador Manuel “Lito” Lapid.

Kinompirma ito ng kanyang Chief of Staff na si Atty. Jericho  Acedera kasunod ng pag-amin na sumasailalaim sa isang treatment ang senador.

Ayon kay Acedera, naka-confine ngayon si Lapid sa Medical City sa Clark, Pampanga para masuri at mabigyan ng atensiyong medikal ang kanyang kalagayan.

Sinabi ni Acedera, batay sa pahayag ng mga doktor, nakararanas ng mild to moderate CoVid-19 symptoms ang senador.

Sa kasalukuyan, inaalam na rin kung saan nakuha o nahawa ang senador ng CoVid-19.

Nagsasagawa ng contract tracing sa mga taong nakasalamuha ng senador ganoon din ang mga nakasalamuha ng kanyang mga nakasalamuha.

Tiniyak ni Acedera, sila ay palagiang magbibigay ng pahayag sa lagay ng senador.

Umaasa si Acedera na malalamapasan ng kanyang boss ang karamdaman at agaran siyang gagaling.

Sa ngayon ay kailangan ng senador ay dasal para sa kanyang mabilis na paggaling sa CoVid-19. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Maria Susana Va Ople Blas Ople

Sa ika-96 na anibersaryo ng kapanganakan ni Ka Blas
Department of Migrant Workers dadalo

Kaisa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan si Sec. Maria Susana V. Ople ng Department of …

Bulacan Police PNP

Sa Bulacan
5 DRUG TRADER, 5 WANTED SWAK SA KALABOSO

NASAKOTE sa pinaigting pang operasyon ng pulisya nitong Martes, 31 Enero ang limang pinaniniwalaang mangangalakal …

arrest posas

Wanted manyakis nasakote sa Bocaue

Arestado ng mga awtoridad ang isang lalaking matagal nang pinaghahanap ng batas dahil sa kasong …

ronald bato dela rosa pnp

Smuggling ng mamahalin, de-kalibreng baril ikinabahala

NAGKAKAROON ba ng firearms smuggling sa bansa? Ito ang tanong Senador Ronaldo “Bato” Dela Rosa …

Drivers license card LTO

Nang-araro ng mga sasakyan
DRIVER NG SUV TATANGGALAN NG LISENSIYA

TATANGGALAN na ng lisensiya ang driver ng SUV na umararo ng 12 sasakyan na ikinasugat …

Leave a Reply