Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sarah Geronimo Mommy Divine Vice Ganda
Sarah Geronimo Mommy Divine Vice Ganda

Sarah, nalaslas ang bulsa

PARA sa amin, isang malaking insulto para kay Vice Ganda ang nakanselang episode ng Gandang Gabi Vice (GGV)na may promo guesting si Sarah Geronimo for her movie.

Ang tsika, hinarang daw ng kanyang inang si Mommy Divine ang pagpapalabas niyon dahil may hindi umano ito nagustuhan during the interview. Ano, ang tanong ni VG o ang sagot ni Sarah?

Dahil wa nga raw bet ni Mommy Divine ang itinatakbo ng taped episode ay nag-walk out daw ito.

Para sa amin, kinapos ng anticipation si Mommy Divine sa maaaring kalabasan ng panayam kay Sarah.

Kung ie-enumerate namin, hindi napagtanto ni Mommy Divine ang maraming obvious na katotohanang una: naughty host si Vice Ganda pero alam naman nito ang kanyang limitasyon.

Pangalawa, nasa hustong gulang na si Sarah. Pa-cute pa rin ba ang dapat itanong sa kanya?

Ikatlo, umeere sa non-primetime na oras ang GGV. Samakatwid, less ang restrictions dito, bagay na aware si Vice Ganda at ang kanyang buong production staff.

To us, Mommy Divine’s having the episode unaired ay senyales ng kawalan ng acknowledgement sa kakayahan ng mismong host.

Bukod pa rito ang pag-aalinlangan ni Mommy Divine sa kapasidad ng kanyang anak who, we suppose, knows how to carry herself with poise and grace kahit maselan o pilyo man ang itanong sa kanya.

Mas mauunawaan sana namin ang emote ni Mommy Divine kung menor de edad pa si Sarah, eh, hindi naman.

Kung hindi naman pinagmumukhang inagrabyado o binastos ang sinumang panauhin (bagkus ay binigyan pa ng pabor para i-promote nito ang kanyang pelikula o show o kung anupaman), call ‘yon ng programa.

Ang programa o ang staff nito—kabilang ang host—ang masusunod.

Balitang dahil nasayang ang ginastos sa taped episode na ‘yon (where Sarah guested) ay kinailangang bayaran ni Mommy Divine ang cost of production.

Kung totoo, hindi birong halaga ang nalaslas sa bulsa na mukhang pera pa ni Sarah ang ipinambayad, just because maraming bawal o sadyang maarte lang talaga si Mommy Divine.

Juice ko, buti hindi pa nagrerebelde ang anak mo, madir! Dahil kapag nagkaganoon, saan na pupulutin si Mommy Divine?

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …