Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kylie Padilla Liezl Sicangco Alas
Kylie Padilla Liezl Sicangco Alas

Kylie sa pagbisita ng inang si Liezl — Seeing her with Alas is like feeling safe

BAKA nasa Pilipinas pa ang ex-wife ni Robin Padilla na si Liezl Sicangco at nasa tahanan ng anak nilang si Kylie Padilla, ang live-in partner nitong si Aljur Abrenica, at ang anak nilang si Alas Joaquin.

Tahimik na dumating sa bansa si Liezl  kamakailan. At kaya lang napag-alaman ng madla ang pagdating dahil ipinost ni Kylie sa Instagram ang litrato ng butihin n’yang ina na kasama ang anak n’yang si Alas Joaquin.

Parang inililihim pa nga sa madla kung saan kuha ang larawan ng mag-lola. Hindi n’ya inilagay sa post n’ya kung saan kuha ang larawan. Pero baka naman nakaligtaan lang n’ya.

Gayunman, sa pagbabasa namin ng mga comment sa paskil ni Kylie, napag-alaman naming sa SM Aura sa Bonifacio Global City sa Taguig kuha ang larawan.

Malamang na ‘di napigilan ni Kylie na i-post ang litrato dahil touched na touched siya sa pagbisita ng ina n’ya para makita siya, ang apo n’ya, at ang live-in partner niya.

Napa­kabait na ina ni Liezl sa pagbisita n’ya sa Pilipinas. May pamilya na rin naman siya sa Australia at kaabalahan at gastos ang lumipad papunta sa Pilipinas. Pero naglaan nga siya ng mga oras at araw para makapiling sa ibayong dagat ang mga mahal n’ya sa buhay.

Isa nga pala sa agad nag-like sa post ni Kylie ay ang misis ngayon ng ama n’ya na si Mariel Rodriguez. Magkasundo naman kasi sina Liezl at Mariel. Sa totoo lang, kahanga-hanga si Mariel sa desisyon n’yang gawing kaibigan ang lahat ng babaeng nagkaroon ng relasyon kay Robin, pati na lahat ng anak ng aktor.

Lahad ni Kylie sa Instagram post n’ya: ”I don’t take for granted how lucky I am to still have my mom with me. Seeing her with Alas is like feeling safe. In her hands I know he will be alright, and that’s all I could ever want.”

Inilahad din n’ya ang plano n’yang magpaturong magluto sa kanyang ina. Aniya, “Walang biro. Para ready na talaga for another milestone in my adult life. Lol. Love you, ma. Thank you for today!”

Habang isinusulat ito, wala pa kaming nasasagap na IG posts na nagkita sina Liezl, Robin, at Mariel, na mukhang posibleng mangyari.

Ang kaayusan ng buhay sa mundo ay nakasalalay sa pagkakasundo-sundo kahit na ng mga pamilyang hiwalay na at nasasangkot sa mga relasyong ‘di kombensiyonal, ‘di tradisyonal, ‘di pasok sa mga doktrina ng relihiyon at politika.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …