Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Regine Velasquez
Regine Velasquez

Regine, tuloy na ang paglipat sa Kapamilya

NAGSIMULA sa blind item ang tungkol sa paglipat ng isang sikat na personalidad sa ibang network. Lalo pang uminit ang tsikang ito nang nagpaalam na sa kanyang TV show ang sinasabing personalidad.

Sa pinakahuling pangyayari, pinangalan na ng ilang kasamahan sa panulat na ang Asia’s Songbird Regine Velasquez ang tinutukoy dahil nagpaalam na ito sa Sarap Diva ng GMA-7.

May mga sumasang-ayon at hindi sinisisi ang mang-aawit kung lilipat na ito sa Kapamilya dahil puwede nitong makasama ang kanyang mister na si Ogie Alcasid sa ASAP at kung may Clash man siya ngayon ay hanggang September na lang.

Ang maganda pa sa paglipat nito, puwede itong makagawa ng teleserye dahil mahusay naman itong umarte base sa mga pelikulang nagawa nito.

May nagsasabi naman na hindi dapat mabahala ang mga nagmamahal sa mang-aawit dahil espekulasyon lang naman ang lahat at malalaman ang pagka-loyalista nito sa pagbabalik mula sa bakasyon.

Kaya lang, malakas pa rin ang bulong-bulungan na talagang may plano ang Asia’s Songbird na lumipat kasi kapos na siya ng exposure sa kanyang mother studio.

May nagsasabing career-move ito ng mang-aawit, na may greener pasture, dapat doon hindi na siya bumabata at may pamilya na rin itong binubuhay.

STARNEWS UPLOAD
ni Alex Datu


Sarah is awesome and brilliant — Matteo

Sarah is awesome and brilliant — Matteo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Datu

Check Also

Lala Sotto MTRCB

Sa pamumuno ni Chair Lala Sotto, MTRCB nakapagribyu ng 172,000 na materyal noong 2025; isinumiteng mga pelikula umangat sa 13.34%

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKAPAG-REVIEW ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), …

Beauty Gonzalez

Beauty certified yoga instructor na

I-FLEXni Jun Nardo MATAPANG, bumiyahe mag-isa si Beauty Gonzales, huh! Ginawa niya ‘yan nang pumunta siya …

Robi Domingo John Lloyd Cruz

John Lloyd at Robi muntik daw magsuntukan sa kasal nina Zanjoe at Ria

MA at PAni Rommel Placente HOW true na muntik na raw magsuntukan sina Robi Domingo at John Lloyd …

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …