Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ritz Azul The Hopeful Romantic
Ritz Azul The Hopeful Romantic

Ritz Azul, hindi nainip sa career

SA walong taon ni Ritz sa showbiz ay ngayon lang siya nagkaroon ng pelikula kaya naman natanong siya kung hindi siya naiinip sa takbo ng karera niya dahil noong lumipat naman siya sa ABS-CBN noong 2016 ay isang teleserye palang ang masasabing lead star siya, ang The Promise of Forever kasama sina Paulo Avelino at Ejay Falcon mula sa Dreamscape Entertainment.

At pawang guestings naman ang iba tulad ng FPJ’s Ang Probinsyano, Maalaala Mo Kaya, ASAP, Wansapanataym, Ipaglaban Mo, at Banana Sundae.

May magandang paliwanag si Ritz dito, “Ako naman po, tumatanggap lang ako kung ano ang dumarating sa buhay ko at naniniwala ako na everythings’ happen for a reason. Ang panahon ang nagbibigay kung ano ang dapat sa ‘yo.

“Hindi po ako naiinip kasi nagkaroon din ako ng time sa family ko, ‘yun po ang pinakamahalaga sa akin, nagkaroon ako ng pahinga at nagkaroon ng realization sa sarili ko na i-balance ang lahat ng bagay kasi dumating din ako sa point na puro ako trabaho kaya ibinigay din ang time na after ‘The Promise of Forever,’ maka-bond ang magulang ko lalo’t may dumating akong kapatid.”

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan


Pepe, nagkagusto na kay Ritz
Pepe, nagkagusto na kay Ritz
Ritz, ‘di big deal ang pagsusuot ng swimsuit
Ritz, ‘di big deal ang pagsusuot ng swimsuit
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …