LABING-ANIM na taong gulang pa lamang pala nang unang magka-girlfriend si Joshua Garcia. Napag-alaman naming ito nang mag-guest ang binata sa Tonight With Boy Abunda.
Ani Joshua, matanda ng limang taong sa kanya ang babae at nasundan pa ng isa pa bago dumating si Julia Barretto sa buhay niya.
Samantala, inamin ni Joshua na napagsabihan sila ng ABS-CBN management na maghinay-hinay sa kanilang public display of affection (PDA) lalo na kung nasa harap ng kamera. Dapat iwasan na pag-isipan sila na gumigimik dahil ang kanilang loveteam ay bida ngayon sa pinakabagong teleserye ng Kapamilya.
Ani Joshua, mahirap pigilan ang kanyang nararamdaman. Kaya sa pagiging sweet sa aktres, dito nito naipakikita at naipararamdam ang pagki-care.
READ: Mackie, lalaking-lalaki na marunong magboses babae
READ: Vance, hindi itinago ang pagiging batang ama
STARNEWS UPLOAD
ni Alex Datu