Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Anak ni Kabayan, inilipat ng puwesto

TINANGGAL sa Depart­ment of Tourism si Undersecretary Katherine de Castro ngunit inilipat din agad ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ibang posisyon sa pamahalaan.

Nasangkot sa isyu ng katiwalian sa DOT si De Castro sa isyu ng mahigit P60-M advertisement fund ng kagawaran na ibinayad sa Bitag Media na pag-aari ng kapatid ni dating Tourism Secretary Wanda Teo Tulfo na si Ben Tulfo.

Batay sa inilabas na Appointment Paper ng Malacañang na nilagdaan ni Pangulong  Duterte na may petsang 20 Agosto, ay itinatalaga ng Pangulo si De Castro bilang mi­yem­bro ng board of direc­tors ng Intercontinental Broadcasting Corporation (IBC-13).

Ito ay para punan ang nabakanteng termino ni Manolito Cruz na magta­tapos sa 1 Hulyo 2019.

Ilang beses nang uma­ni ng kritisismo si Pa­ngulong Duterte sa mu­ling pagtatalaga sa mga sinibak na opisyal ng pamahalaan na sinasa­bing sangkot sa katiwa­lian.

Madalas sabihin ni Duterte na sa oras na makaamoy ng katiwalian sa kanyang mga opisyal ay agad silang sisibakin sa puwesto.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

 “Sorsogon gold standard”pamarisan sa paggawa ng mga kalsada

MUKHANG unti-unti nang tinatalikuran ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang lumang gawing …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Impeachment o sawsaw isyu lang?

HINDI naman tayo nanghuhusga pero ano itong nangyaring pag-iingay sa Kamara nitong Huwebes – ang …

PUP Ad Congress FEAT

Let’s Play! Future Creatives Take the First Move at 22nd AdCongress

In an industry where every move counts, the 22nd Advertising Congress (AdCongress) challenges the next …

Goitia

Goitia Walang Puwang ang Pananakot, Hindi Uurong ang Soberanya at Katotohanan ng Pilipinas

Ang Tangkang Pagsupil sa  Katotohanan ay Kalapastanganan Ang  naging palitan ng pahayag nina Commodore Jay …

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …