READ: Eat Bulaga nagbalik-tanaw sa ika-39 taon sa local TV Selebrasyon ng anibersaryo Non-stop ang sorpresa
READ: Alaga ni Ronnie Cabreros na si Christian Gio, pasok na rin sa indie movie
BUKOD sa pre-sold na ang 2014 blockbuster Korean movie na “Miss Granny” na pinagbidahan ng Korean actress na si Shim Eun-Kyung, kung pagbabasehan ang full trailer ng Pinoy version ni Sarah Geronimo ng said movie aba’y walang duda na tatabo ito sa takilya.
Yes at ang husay-husay ni Sarah sa kanyang mga eksena na gayang-gaya niya ang nuances ng ginagampanang si Nova Villa. Idagdag pa ang lakas maka-LSS ng mga kinantang song ng Popstar Princess tulad ng Rain, Forbiden Love, Isa Pang Araw at isa pang OPM old hit na Kiss Me, Kiss Me.
Tapos may James Reid pa at Xian sa movie na idinirek ng blockbuster director na si Binibining Joyce Bernal. Sa suporta ng Popsters ni Sarah sa buong bansa ay mapatutunayan ng singer-actress na without her original loveteam John Lloyd Cruz ay kaya na niyang magdala ng kanyang solo movie.
VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma