Tuesday , November 30 2021
Christian Gio
Christian Gio

Alaga ni Ronnie Cabreros na si Christian Gio, pasok na rin sa indie movie

READ: Eat Bulaga nagbalik-tanaw sa ika-39 taon sa local TV Selebrasyon ng anibersaryo Non-stop ang sorpresa
READ: Miss Granny Movie ni Sarah Geronimo, amoy na amoy na magiging blockbuster

MARAMI rin plano ang friend naming talent mana­ger na si Ronnie Cabreros para sa kanyang alaga at pa­mang­kin sa tunay na buhay na si Christian Gio.

At dahil whole­some ang image ni Christian panay ang audition niya sa TV commercial at umaasa ang young actor/model/event host na makuha siya sa mga produktong makapag-auditionan siya lalo’t nakikita naman niyang bagay siyang mag-promote nito.

Oo naman puwedeng-puwede maging endorser si Christian ng clothing company o kaya food chain. Pagdating naman sa movies konting paghihintay na lang at sasabak na rin sa paggawa ng indie movie ang kanilang idol na actor.

At siyempre hindi magpapa-sexy rito si Christian dahil bukod sa boy next door ang image niya ay strict ang kanyang parents sa province at maging ang tiyuhing si Ron ay hindi rin papayag na maghubad siya sa big screen.

Marami pala ang nakawi-witness sa pagkakahawig ni Christian sa matinee idol singer-actor na si James Reid. Well, nagsimula rin sa pagiging nameless noon si James at ngayon ay isa na ang actor sa tinitingala sa showbiz at malay niya, dumating din ang oras para sa kanya (Christian) at sumikat rin siya nang husto sa showbiz.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Check Also

Mystery Man Gay

Ibini-build-up na matinee idol mas type maging impersonator

HATAWAN!ni Ed de Leon  “MANIWALA ka sa akin Tito, he’s gay,” sabi ng isang male star tungkol sa isang …

James Reid

James babalik ang kasikatan ‘pag nagpa-sexy

HATAWAN!ni Ed de Leon HOY mukhang bumalik na ang porma ni James Reid. Kung noong mga nakaraang buwan …

Angel Locsin

Angel bumweltasa basher: Huy wag kang mag imbento ng issue para may pagtakpan

MA AT PAni Rommel Placente NAG-POST si Angel Locsin ng kanyangreaksiyonsa Instagram post ng ABS-CBN  …

Cassy Legaspi

Cassy nagbabala, Facebook account na-hack

MA AT PAni Rommel Placente BIKTIMA narin ng hacker si Cassy Legaspi. Angkanyang Facebook account …

Kylie Padilla Robin Padilla

Puso ni Robin nakurot sa sulat ni Kylie

KITANG-KITA KOni Danny Vibas NAKABIBILIB ang linaw ng isipan at damdamin ni Kylie Padilla sa …

Leave a Reply