KAILANGAN ng Filipinas ng maraming “Ninoy Aquino” upang magkaroon ng mas magandang kinabukasan.
“In this time of real and lasting change, we need more citizens like him so we can steer our country towards the direction where a brighter and better future awaits us all,” ayon sa mensahe ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ika-35 anibersaryo nang pagpaslang kay dating Sen. Benigno “Ninoy” Aquino, Jr. kahapon.
Hinimok ng Pangulo ang mga pinuno ng bansa na gayahin ang pagmamahal sa bayan ni Ninoy at komitment sa serbisyo-publiko.
“Let us take this opportunity to reflect on his sacrifice as we honor the courage and patriotism that Ninoy demonstrated during his struggle. May his dedication to his cause serve as a guide post for our current leaders in government as they advance the welfare of our people, especially the oppressed and marginalized,” anang Pangulo.
Nanawagan ang Pangulo sa mga Filipino na magtulungan upang maipatupad ang mga reporma na magtutuldok sa mga suliranin ng lipunan na nagiging sagka tungo sa pagkakaroon ng matatag na demokrasya.
Ang pagpatay kay Ninoy sa Tarmac ang naging hudyat sa pagbagsak ng rehimeng Marcos noong 1986.
(ROSE NOVENARIO)