READ: Duterte nasa kama ‘di na-coma — Palasyo
PATAY na ang Charter change.
Ayon kay Deputy Speaker Prospero Pichay ang pag-amyenda sa 1987 Constitution ay hindi mangyayari kung ayaw ito ng Senado.
Ani Pichay, sa isang news conference, wala nang panahon mag-amyenda ng Saligang Batas kung ayaw naman ng mga senador.
Nauna nang sinabi ni Speaker Gloria Arroyo na wala nang panahon para mag-amyemda ng Saligang Batas bago mag-eleksiyon sa 2019.
Kinakailangan pa aniya ng Kongreso na mabuo ang draft federal constitution na dapat iratipika ng mga botante sa isang referendum.
Nanawagan si Pichay sa mga senador na maging bukas ang kaisipan para pag-usapan ang chacha.
Dapat aniya mag-isip naman ang mga senador kung ano ang ikabubuti ng bayan.
Si Arroyo ay nagsumite ng House Resolution 2056 para magsama ang Kamara at ang Senado sa isang Constituent Assembly para amyendahan ang 1987 constitution at buuin ang federal government.
Nakasaad sa resolusyon ni Arroyo na ang botohan ng Senado at Kamara ay magkahiwalay.
Ang resolusyon ni Arroyo ay hindi pa naaproba ng Kamara mula nang kuwestiyonin ni dating Majority Leader Rodolfo Fariñas sa argumentong ang 292 miyembro ng Kamara ay hindi puwedeng i-hostage ng 24 senador.
ni Gerry Baldo