Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ryle, never ini-link kay Vice Ganda

HININGAN namin si Ryle Santiago ng reaksiyon sa pagkaka-link ng kapwa niya Hashtags member na si Ronnie Alonte kay Vice Ganda. Magkakasama sila sa It’s Showtime! mula Lunes hanggang Sabado.

“Wala, friends lang, naging good friends. ‘Di ba si DJ (Daniel Padilla) naman at si Vice okay din naman.

“Sina Kuya Vhong (Navarro) at Vice okay naman sila pero wala namang sinasabing ano, so I think it’s the same thing.

“People siguro, kasi siyempre bago si Ronnie and medyo siguro may mga naiinggit kaya may nasasabing ganoon sa kanya pero ako, sa nakikita ko parang hindi naman.”

Bu­kod kay Ronnie, may ilang miyembro ng Hashtags na nauugnay din kay Vice.

“Well ako ayoko naman talaga bigyan ng negative na meaning to it, ‘di ba? Kasi, marami akong kaibigan na bading, marami akong kaibigan na tomboy, marami akong kaibigan sa LGBTQ+ na walang malisya, sobrang walang malisya lang.

“As long as alam mong ano ka, okay ka lang. I don’t ano naman eh, hindi naman ako nagmamasama ng mga ganoon kasi I grew up with that eh, mga… siyempre si Mama (Sherilyn Reyes) showbiz, so ang dami kong kaibigan na tito, na tita, ang dami eh, ang dami!

“It’s not something new to me, it’s not something that I’m parang afraid of? Hindi ako nandidiri sa ganoon.

“Kasi ‘yung ibang tao ‘di ba, sobrang makapanglait, sobrang makapanghusga.”

Sa lahat ng members ng Hashtags, isa si Ryle sa iilan na hindi nali-link kay Vice.

Dahil ba hindi siya sumasama kapag may gimik o lakad ang mga ito?

“Well, hindi kasi ako magimik. Pero okay kami ni Vice, friends kami.”

Pero never na-link si Ryle sa komedyante.

“Oo, hindi kasi ako sumasama sa pag-gimik. Alam naman ng mga Hashtags ‘yan.

“Hindi ako magimik na tao, taong-bahay ako, eh.

“So, for example, ‘yung pinakagimik namin ng Hashtags siguro movie, or kakain lang kami sa labas, ganoon lang.”

Mabuti naman at hindi negative ang dating niya at okay lang sa mga co-members niya ng Hashtags na ganoon si Ryle, na hindi siya palasama sa mga ito sa gimikan?

“I think naman noong una they took it negatively. Pero naintindihan naman nila na ganoon lang talaga akong klase ng tao,  na hindi talaga ako ganoon.

“Pero ‘yung lubos na pag­mamahal ko ibinibigay ko sa kanila so, I guess na alam na nila by now na ganoon lang talaga ako.”

Ang ibang Hashtags, in interviews with some of them, nakukuwento na tumatambay sila sa bahay ni Vice. Si Ryle?

“Dumadalaw ako, oo. Tapos as much as possible, kunwari, nandoon sila, nandoon din ako, ‘pag nata-timing kong sabay ko pumasok. Pero ‘yung out-of-nowhere ako lang? Nahihiya rin kasi ako.”

Hindi naman dahil sa may conscious effort siya na umiwas ma-link kay Vice.

“Hindi naman! Nahihiya lang ako minsan pumunta. For example kung pupunta ako, magha-hi ako, kailangan may kasama ako. Kunwari bababa sila (ng sa­sakyan), naririnig ko, ‘Uy sama ako, magha-hi rin ako!’”

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Lala Sotto MTRCB

Sa pamumuno ni Chair Lala Sotto, MTRCB nakapagribyu ng 172,000 na materyal noong 2025; isinumiteng mga pelikula umangat sa 13.34%

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKAPAG-REVIEW ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), …

Beauty Gonzalez

Beauty certified yoga instructor na

I-FLEXni Jun Nardo MATAPANG, bumiyahe mag-isa si Beauty Gonzales, huh! Ginawa niya ‘yan nang pumunta siya …

Robi Domingo John Lloyd Cruz

John Lloyd at Robi muntik daw magsuntukan sa kasal nina Zanjoe at Ria

MA at PAni Rommel Placente HOW true na muntik na raw magsuntukan sina Robi Domingo at John Lloyd …

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …