Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Rico Blanco, bar owner, 4 pa inasunto sa droga

NAKAKOMPISKA ng shabu, cocaine, marijuana at drug paraphernalia ang mga awtoridad sa Times Bar nang pasukin muli ng mga tauhan ng National Capital Region Police Of­fice at Makati City Police, kahapon ng umaga.

Sa bisa ng search war­rant, muling pinasok at ginalugad ng mga awto­ridad ang loob ng high end bar para mabuksan ang dalawang vault sa opisina ng manager na si Danilo Regino.

Kabilang sa mga pu­masok sa naturang bar dakong 10:00 am sina NCRPO director, C/Supt. Guillermo Eleazar; SPD director, C/Supt. Tomas Apolinario, at Makati City Police chief, S/Supt. Rogelio Simon.

Kabilang sa nakuha ang 17 pekete ng hini­hinalang shabu, dala­wang pakete ng cocaine, isang pakete ng mari­juana at isang improvised tooter.

Habang nakuha sa dalawang vault ang isang tooter, isang pakete ng coicane, isang pakete ng shabu at 15 sobre na may lamang umaabot sa P250,000 cash.

Dalawang oras hina­lug­hog ng mga awtoridad ang Times Bar sa Makati Avenue, Makati City.

Sinabi ni Eleazar, may limang taon nang naipa­sara ang bar ngunit mu­ling nabuksan nang mag­karoon ng pagbabago sa management.

Dagdag ng NCRPO chief, anim katao ang kanilang sinampahan ng kaso kabilang ang singer na si Rico Blanco, at sina Amparo Primero, Ryan Gomintong Ladrillo, Cynthia Primero, Burton Joseph Server, ang may-ari ng bar, at ang manager na si Regino.

Ayon sa opisyal, ni­tong Miyerkoles isi­nampa ang mga kasong pagla­bag sa Section 7, 5,11 at 6 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Danger­ous Drug Act of 2002  sa Makati Prosecutor’s Office laban sa anim na nabanggit at 25 pang empleyado na pawang mga waiter, bouncer at receptionists ng nasabing Bar.

Nitong 11 Agosto, Sabado, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Makati City Police sa nasabing bar, nagresulta sa pagkaka­kompiska sa iba’t ibang uri ng droga kabilang ang ilang sachet ng cocaine, shabu, ecstasy, at pina­tuyong marijuana, ha­bang 57 dayuhan at 32 local guest ang kanilang naabutan sa loob ng bar.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …

Bojie Dy Sandro Marcos

Speaker Dy, Majority Leader Marcos naghain ng makasaysayang Anti-Political Dynasty Bill

ni Gerry Baldo ISINASAKATUPARAN ni Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III ang kanyang pangakong repormang …

PRC Physician Doctor Medicine

PRC Board of Medicine aprubado para sa imbestigasyon laban sa mga doktor ng Bell-Kenz

MALUGOD na tinanggap ng abogado at tagapagtaguyod ng karapatang pantao na si Lorenzo “Erin” Tañada …

Arrest Shabu

Parang kendi lang kung magbenta ng shabu sa kalye, 2 tulak nakalawit

DALAWANG personalidad na kabilang sa isinasangkot sa droga ang naaresto ng mga awtoridad sa ikinasang …