Sunday , October 24 2021

6 arestado, P1.2-B shabu kompiskado (Sa Danao ‘ops’)

091321 Hataw Frontpage

ni BRIAN BILASANO

ANIM katao ang dinakip at nakompiska ang P1.2 bilyong halaga ng shabu sa magkakahiwalay na operasyong inilunsad kontra sa lahat ng uri ng ilegal na gawain at ipinagbabawal na gamot na pinamunuan ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief PMGen. Vicente D. Danao, Jr.

Nakompiska ng pinagsanib na puwersa ng Regional Intelligence Division (RID), Regional Mobile Force Battalion (RMFB) at Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP) noong 8 Setyembre 2021 ang iba’t ibang uri ng baril, mga piyesa at bala sa operasyong nagsimula sa Cubao, Quezon City na umabot sa Sta. Maria, Bulacan.

Sinampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 10591, Sections 28 (Unlawful Acquisition, or Possession of Firearms and Ammunition) at Sec. 32 (Unlawful Manufacture, Importation, Sale or Disposition of Firearms or Ammunition or Parts) ang mga naarestong suspek na sina Mark Anthony Verona Jumadiao, Paquito Alberto Salva­diro, Benjamin Postrada Sosa, Noel Cuaresma Nicolas, Louie Ocampo Pavia, Nathan Arante Nicolas, at Remyna Bianca Palapar Lamo­rena.

Samantala, 181 kilo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P1.2 bilyon ang nakompiska sa buy bust operation nitong 9  Setyembre 2021, dakong 9:27 pm sa  Molino 3, Bacoor, Cavite.

Matagumpay na napigilan ng mga opera­tiba mula sa Philippine Drug Enforcement Agency, Armed Forces of the Philippines-Task Force NOAH, Bureau of Customs at National Intelligence Coordinating Agency ang tangkang pagbiyahe ng ilegal na droga na nakabalot sa Chinese-labelled packs patungo sa katimugang bahagi ng bansa.

Ang mga suspek na sina Danilo Untavar, 51 anyos, at Basher Bangon, 59 ay napatay ng mga operatiba matapos man­laban sa gitna ng ope­rasyon.

Batay sa intelligence report, si Bangon ay itinuturing na top-level drug personality at lider ng Basher Drug Group. Ang mga suspek ay bodegero umano ng Chinese Drug Trafficking Group na nakabase sa Zambales, na kamakailan ay apat na Chinese drug dealers ang napatay ng mga awtoridad sa enkuwentro.

“I would like to give stern warning to everyone especially itong drug pushers. Well, sabi nga sa inyo, our government will never stop, we will never cease in our campaign against all forms of criminality lalong-lalo sa illegal drugs, terrorism and illegal possession of firearms. Hindi po tayo titigil n’yan. This will be a No Let Up campaign against all forms of illegal drugs. And if you will fight it out with our law enforcement agencies, isa lang ang pupuntahan ninyo,” pahayag ni NCRPO chief Danao.

Pinasalamatan din ni Danao ang mga operatiba mula sa iba’t ibang ahensiya sapagkat napigilan umano ng grupo ang posibleng paggamit sa drug money kaugnay sa nalalapit na eleksiyon sa 2022.

About Brian Bilasano

Check Also

SM Megamall Mandaluyong Menchie Abalos COVID-19 vaccine A3.1 category minors kids

SM SUPERMALLS OPENS PEDIATRIC VACCINATION CENTER IN MANDALUYONG
Phase 2 of A3.1 vaccination program starts rolling out in 17 more locations in PH

WHEN the news broke out that children with comorbidities can get vaccinated, Paul Vincent Lim …

PH ayaw pasukin ng investors dahil sa super mahal na koryente — Solon

MULING binatikos ni Bayan Muna Rep. Carlos Zarate ang panibagong power rate hike ngayong Oktubre, …

102221 Hataw Frontpage

Bato kabado sa ICC probe vs drug war killings sa PH

ni ROSE NOVENARIO IBINISTO ni Pangulong Rodrigo Duterte na kabado si dating PNP chief, Sen. …

Isko Moreno TVC

Dumausdos sa survey
‘TVC’ NI YORME DAPAT PALITAN

BULABUGINni Jerry Yap HINDI patok sa masa ang TV ads ni Manila Mayor Francisco “Isko …

Blind Item, Woman, man, gay

BF ni sikat na aktres boylet din ni batang matinee idol

ANO kaya ang sasabihin ng magaling at sikat na aktres kung makakarating sa kanya ang tsismis …

Leave a Reply