Tuesday , November 5 2024

Ex-con na tulak ng droga utas sa shootout!

BARIL, BALA AT DROGA! MABILIS na isinugod sa pagamutan upang maisalba ang isang duguang drug suspek na nakilalang si Jeric Topacio alyas ebok notoryus na tulak ng droga na kabilang sa drugs watchlist ng Gawad Kalinga Brgy 105 Tondo na ayon sa ilang brgy officials ay halos ilang buwan pa lamang nakalaya nang makulong sa kasong droga kamakailan, Idineklarang Dead On Arrival ang suspek makaraang makipagbarilan sa mga tauhan ni MPD PS1 Supt Jay Dimaandal sa pinagsanib pwersa nina SDET PCI Manny Israel at SM PCP Sr/Insp Dave Abarra at mga operatiba sa ikinasang buy bust operation sa nasabing lugar. (BRIAN GEM BILASANO)

NAPATAY ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD)ang isang lalaki na sinasabing notoryus na sigang tulak ng droga makaraang manlaban sa anti drug operation Miyerkules ng mading araw sa Tondo Maynila.

Isinugod pa sa pagamutan ang supek na nakilalang si Jeric Topacio alyas Ebok subalit idineklarang Dead On Arrival dahil sa tinamong tama ng bala sa katawan makaraan makipagbarilan sa awtoridad

Ayon kay MPD PS1 Supt Jay Dimaandal, dakong 1:30am nang ikasa ng kanyang Station Drug Enforcement Unit(SDEU)ang buy bust operation laban sa suspek kung saan bibilhan sana ng droga upang hulihin ito subalit nakipagputukan sa pulisya.

Nabatid na sa gitna ng transaksyon ay biglang umiktad ang suspek papasok sa loob ng bahay nito sa Gawad Kalinga Brgy105 Tondo at dito na pinaputukan ang pulisya.

Dito na napilitan gumanti ng putok ng awtoridad na nagresulta sa pagbulagta ng suspek makaraang masukol at mapalibutan ng rumespondeng kapulisan mula sa SM PCP sa pangunguna ni Sr/Insp Dave Abarra.

Napagalaman sa ilang hindi pinangalanang opisyal ng barangay na kabilang sa drugs watchlist ang suspek na hindi umano tumigil sa paggamit at pagbenta ng iligal na droga sa kanilang lugar.

“Kamakailan lamang ay nasaksak pa yan si Ebok sa tawid malapit sa Brgy 100 dahil sa posibleng Turf war na may kaugnayan rin sa kalakaran ng droga’ Idinagdag pa ng isang barangay official.

Bagong laya lang yan ang buwan pa lamang nkalipas parang nasa probation yan nang mahuli sa kasong droga sa Quiapo Maynila’pahayag naman ng isang kapitbahay.

Napagalaman pa sa naturang lugar na pilit umanong pinasusuko ng brgy ang suspek subalit hindi nakikiisa sa kanilang programa.

Base naman kay Sr/Insp Dave Abarra, Si Jeric ang itinuturong suspek sa ilang pagpapaputok ng baril sa nasabing lugar partikular na noong oras habang prinoproseso ng awtoridad ang pagsisisyasat sa katawan ng isang drug suspek na nasawi rin sa drug operation dalawang linggo na ang nakalipas sa naturang brgy.

Narekober sa suspek ang isang hindi pa batid na kalibre baril, basyo at dalawang sachet ng shabu.

Kaugnay nito, Arestado rin sa naganap na pagsalakay ang tatlong indibidwal na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 at RO887 na kasalukuyang nakapiit sa MPD Station 1(BRIAN GEM BILASANO)

About Brian Bilasano

Check Also

Brian Poe Lamanzares FPJ Panday Bayanihan party-list

Serbisyong legal para sa kapos-palad kaloob ng lawyers group at FPJ Panday Bayanihan party-list

SISIMULAN na ang mga serbisyong legal at konsultasyon sa darating na Biyernes, 8 Nobyembre, makaraang …

DOST NCR Launches Regional Science, Technology, and Innovation Week to Promote Green Economy Solutions in Metro Manila

DOST NCR Launches Regional Science, Technology, and Innovation Week to Promote Green Economy Solutions in Metro Manila

The Department of Science and Technology National Capital Region (DOST NCR) launched its annual Regional …

DOST I empowers Community with Potable Water Solutions, deploys SAFEWATRS Technology in Umingan, Pangasinan

DOST I empowers Community with Potable Water Solutions, deploys SAFEWATRS Technology in Umingan, Pangasinan

To provide a reliable emergency potable water system, the Department of Science and Technology (DOST) …

Pasig City

Pasig City gov’t political officer bistadong lider ng ‘troll campaign’

PASIG City – Isang Universal Serial Bus  (USB) ang nagbisto sa sinabing ‘troll campaign’ operations …

Bicol Money

Sa pananalasa ng bagyong Kristine
SA P132-B PONDO PARA SA BICOL FLOOD CONTROL MAY DAPAT MANAGOT — IMEE

TINULIGSA ni Senadora Imee R. Marcos ang malalang pagbaha sa Bicol sa kabila ng P132 …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *