READ: Mahabang suwerte ni Suarez
HINDI lang mambabatas si Senator Emmanuel Pacquiao, ang 8-division boxing champ, alalahanin na isa rin siyang pastor matapos magliwaliw sa iba’t ibang klase ng bisyo.
Isa na rin siyang apisyonado at basketball team owner at higit sa lahat negosyante.
Kaya nauunawaan natin ang kanyang posisyon sa death penalty — ipataw ang nasabing parusa para sa heinous crime.
Okey na ‘yun. Period.
Pero ang hindi nakaigi e ‘yung banggitin pa niyang iyon daw ang sinasabi ng Diyos sa Biblia.
Mismong ang Santo Papa ng simbahang Kotolika, isa sa kinikilala at inirerespetong lider-simbahan sa buong mundo, ay hindi pabor sa death penalty.
Tapos ngayon iginigiit ni Pacman na iyon daw ang sabi ng Diyos?!
Por dios por santo! Ang kulit niya ‘di ba?
Maliban kung mayroong sariling bersiyon ng biblia mayroon si Pacman?!
O kaya naman, banggitin na lang ni Senator Manny kung anong bersikulo at kabanata sa biblia ang pinagbabatayan ng kanyang sinabi.
Baka naman maniwala tayo at sabihin na tayo lang ang hindi nakaaalam niyan.
Pero sa isang banda, mas gusto nating sabihin, sino pa kaya ang gustong lumaban kay boxing champ Manny Pacquiao?
Please lang po hamunin n’yo na…
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap