WALANG nakitang masama si Pangulong Rodrigo Duterte sa kumalat na “pepe-dede ralismo” video ni Communications Assistant Secretary Mocha Uson sa kabila ng kaliwa’t kanang kritisismo sa mahalay na paglalako ng usapin sa publiko.
Sa press briefing sa Palasyo kahapon, ikinuwento ni Presidential Spokesman Harry Roque na pinanood ni Pangulong Duterte ang video sa harap nina Budget Secretary Benjamin Diokno, Executive Secretary Salvador Medialdea, at Finance Secretary Carlos Dominguez.
“Very cool” aniya ang Pangulo at walang ibinigay na direktiba kaugnay sa kontrobersiyal na video dahil para sa kanya, hindi malaking isyu ito.
Para aniya sa Pangulo, bahagi lamang it ng “freedom of expression.”
“Actually wala naman po siyang ibinigay na instruction, at the President was very cool about it. I mean, he’s a… you know, primary—he’s a first and foremost a believer in freedom of expression. But of course he knows that charter change has to be more serious but to him it was not really a big thing ‘no,” sabi ni Roque.
(ROSE NOVENARIO)