Friday , November 22 2024
Erwin Erfe Acosta PAO PNoy Roque
Erwin Erfe Acosta PAO PNoy Roque

PAO forensic expert ‘di aawatin ng Palasyo (Sa Dengvaxia probe)

HINDI aawatin ng Palasyo ang pag-iimbestiga ng Public Attorney’s Office (PAO) forensic expert sa mga labi ng mga paslit na naturukan ng Deng­vaxia.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, hahayaan ng Malacañang na ipagpatuloy ni Dr. Erwin Erfe, PAO forensic expert, ang pagsisiyasat sa mga bangkay ng mga batang tinurukan ng Dengvaxia.

Paliwanag ni Roque, ang Department of Justice (DOJ) at National Bureau of Investigation (NBI) ang magpapasya kung sino ang ihaharap na eksperto sa hukuman kapag dininig ang mga kaukulang kasong isasampa laban sa mga responsable sa pagpayag na ilarga ang anti-dengue vaccine sa kabila ng panganib sa mga hindi pa nagkakaroon ng dengue.

“Sasabihin ko lang po ang naging desisyon ng ating Secretary of Justice ‘no – tuloy po ang imbestigasyon ng PAO. Kung si Dr. Erfe po ay kasapi sa imbestigasyon ng PAO, so be it! Pero sinabi rin po ni Secretary Vit Aguirre na iba iyong mga expert witnesses na ipipresenta sa hukuman, kasi kinakailangan mayroon silang kuwalipikasyon bilang experts. So ang sagot ko po riyan, as part of the PAO examination, Dr. Erfe can continue but it is ultimately the National Bureau of Investigation and the Department of Justice’ National Prosecution Service who will determine kung sino’ng ipi-presenta nilang expert witness,” ani Roque.

Umabot sa 30 labi ng mga batang naturukan ng Dengvaxia ang sinuri ni Erfe bunsod ng kahilingan ng mga magulang nila.

Sa kanyang pagharap sa pagdinig sa Mababang Kapulungan kaugnay sa Dengvaxia, pinarunggitan ni dating Pangulong Benigno Aquino III si Erfe bilang hindi eksperto at nagtapos lang sa “Recto University.”

Taliwas sa patutsada ni Aquino, batay sa website ng PAO, si Erfe ay nagtapos sa prestihiyosong College of Medicine ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM), Certified Forensic Physician [CFP], United States of America; Fellow, American College of Forensic Examiners Inst. [ACFEI]; Diplomate, American Board of Forensic Medicine [ABFM]; Diplomate, American Board of Forensic Examiners [ABFE), at isang abogado.

ni ROSE NOVENARIO

About Rose Novenario

Check Also

Miss Universe Philippines 2024 Chelsea Anne Manalo, hinirang bilang Natatanging Kabataang Bulakenyo

LUNGSOD NG MALOLOS – Iginawad ang prestihiyosong Natatanging Gintong Kabataang Bulakenyo award kay Chelsea Anne …

Mikee Quintos Paul Salas

Paul at Mikee naiyak sa ganda ng kanilang pelikula

I-FLEXni Jun Nardo WORTH it ang unang big screen team up ng showbiz couple na …

DOST 2024 NSTW in Cagayan de Oro City

DOST 2024 NSTW in Cagayan de Oro City

2024 NATIONAL SCIENCE, TECHNOLOGY AND INNOVATION WEEK Siyensya, Teknolohiya at Inobasyon: Kabalikat sa Matatag, Maginhawa, …

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *