Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pagsalang ni Sonya sa witness stand, trending

TRENDING nitong Miyerkoles ang episode ng Hanggang Saan na may hashtag na #Isinakdal dahil sumalang na sa witness stand si Aling Sonya (Sylvia Sanchez) at ang mismong anak niyang si Paco (Arjo Atayde) ang nagtanong sa kanya kung ano ang nangyari noong gabing mamatay si Mr. Edward Lamoste (Erik Quizon).

Ang ganda ng eksena ng mag-ina dahil kitang-kita sa facial expression ni Sonya (Sylvia) na sobrang proud siya sa anak niyang abogado na ngayon na hindi niya inakala na ang batang agaw buhay noon ay heto at tagapagtanggol niya ngayon.

Sa eksenang nagkukuwento si Ibyang ng buong pangyayari ay kumapit sa kanya ang manonood at maging ang taong nagdemanda sa kanya na si Mrs. Lamoste (Teresa Loyzaga) kasama ang asawa na ngayong si Jacob (Ariel Rivera) at anak na si Anna (Sue Ramirez) ay nakitaan ng pagka-awa sa nasasakdal at pati ang huwes na si Mari Kaimo ay seryosong nakikinig.

Mahusay ang abogado nina Jean (Teresa) at Jacob (Ariel) na si Atty. Balmaceda (Rolando Inocencio) dahil naantig ang damdamin niya sa kuwentong iginapang ni Sonya (Sylvia) ang pagpapalaki sa dalawa nitong anak na sina Paco (Arjo) at Domeng (Yves Flores) at lahat ay gagawin niya mabuhay lang sila.

Inamin ni Atty. Balmaceda (Rolando) na pinalaki rin siyang mag-isa ng nanang niya at tulad ni Sonya (Ibyang) ay maraming hirap din ang dinanas ng nanay niya hanggang sa marating ang kinalalagyan ngayon kaya binati niya ang pagsasakripisyo ng nasasakdal para buhayin ang mga anak.

Masayang-masaya naman si Ibyang na nag-trending ang episode na iyon kaya kaagad siyang nagpasalamat sa lahat ng nanood.

Pa­wang congratulations naman ang nabasa naming pagbati sa mag-inang Sylvia at Paco dahil naantig nila ang mga damdamin ng mga nanood.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …