Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
kylie Robin Padilla Aljur Abrenica
kylie Robin Padilla Aljur Abrenica

Kylie, tapos nang ‘magpasaring’ kay Binoe

SA wakas, pahinga na si Kylie Padilla sa kanyang mga matalinhagang social media posts na pinagpistahan lately ng mga netizen.

Duda kasi ng madlang pipol, ang recent posts ni Kylie ay patungkol sa kanyang amang si Robin Padilla na hanggang noong i-post niya ang kanyang mga hugot lines ay hindi pa rin tanggap ang dyowa niyang si Aljur Abrenica.

Ang nakaiintriga kasing reference roon ni Kylie ay may kinalaman sa umano’y “pagkatao” ni Robin na naglilinis-linisan gayong makasalanan din naman.

Sino pa ba ang posibleng pinasasaringan ni Kylie kundi ang kaalitang ama?

Now, with the recent face-off nina Robin at Aljur (karay ang apo ng action star), inaasahang maaayos na ang gusot sa magbiyenang hilaw. It is also hope, too, na mananahimik na si Kylie sa social media.

Kasabay nito’y ang balitang pagpapakasal na nina Aljur at Kylie. Medyo naaatrasuhan lang kami sa petsa ng kanilang itinakdang altar date.

Why get married next year pa? Pebrero pa lang ngayon, halos kasisimula pa lang ng taon. All the more na dapat pa ngang agarin nila ang mahalagang okasyong ‘yon dahil ‘yun naman ang gusto talagang mangyari ni Robin.

Eh, kung ang balitang magsisilang pa lang ng anak na si Ellen Adarna, hindi naman katagalang karelasyon niJohn Lloyd Cruz, kalat nang nagpakasal kamakailan in simple rites, sina Aljur at Kylie pa na mayroon nang anak?

Naku, nanghihimasok daw kami sa buhay nina Aljur at Kylie, oh!

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Lala Sotto MTRCB

Sa pamumuno ni Chair Lala Sotto, MTRCB nakapagribyu ng 172,000 na materyal noong 2025; isinumiteng mga pelikula umangat sa 13.34%

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKAPAG-REVIEW ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), …

Beauty Gonzalez

Beauty certified yoga instructor na

I-FLEXni Jun Nardo MATAPANG, bumiyahe mag-isa si Beauty Gonzales, huh! Ginawa niya ‘yan nang pumunta siya …

Robi Domingo John Lloyd Cruz

John Lloyd at Robi muntik daw magsuntukan sa kasal nina Zanjoe at Ria

MA at PAni Rommel Placente HOW true na muntik na raw magsuntukan sina Robi Domingo at John Lloyd …

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …