Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ria Atayde Enzo Pineda Ipaglaban Mo

Ria Atayde, tampok sa Ipaglaban Mo ngayong Sabado

MULING mapapanood ang maganda at talented na si Ria Atayde sa Ipaglaban Mo ngayong February 24, 3:00 pm sa ABS CBN. Actually, tatampukan ni Ria ang episode na Disgrasyada ngayong Sabado.

Sa kuwento nito, tinanggal sa trabaho si Ria dahil siya ay naging disgrasyada, kaya napilitan siyang magdemanda upang ipaglaban ang kanyang karapatan.

Ibinalita ni Ria ang ilang detalye sa mapapanood na episode ngayong Sabado.

Pahayag ng aktres, “This is my fourth guesting po sa Ipaglaban Mo. First lead… super grateful po talaga ako kasi they always give me the opportunity to work.

And well, ang saya po kasi super bucket list director ko po si Direk FM Reyes.”

Saad ng talented na anak ni Ms. Sylvia Sanchez, “Ang boyfriend ko po here is Enzo Pineda. Mom and Dad are tita Irma Adlawan and Tito Julio Díaz. My attorney is Tita Ana Abad Santos and bestfriend is Cora Waddell.

“Ako rito si Gladys na isang employee sa Catholic institution na nabuntis ng aking dyowa. Ang story po is about a girl who gets pregnant by her boyfriend who works in the same institution, tapos may kaso regarding the pregnancy and all.”

Sa naunang panayam namin kay Ria, sinabi ng Kapamilya aktres na ang wish niya para sa taong 2018 ay magkaroon ng mga bagong proyekto na magiging challenging sa kanya. “Ang wish ko po for showbiz would have to be… more projects that’ll challenge and help me improve my craft.”

Nabanggit din niyang nami-miss ang teleseryeng tulad ng Ningning. “Of course naman po, gusto kong magkaroon ng tulad ng Ningning and nami-miss ko iyong dati naming teleseryeng iyon,” tugon niya.

Ano ang project na dapat asahan sa iyo, very soon? “This new series of ABS. It’s a new concept and it’s very millennial. Pero hindi pa po puwedeng i-share e. But I’ll let you know once it’s all out na.”

Abangan ang ‘Disgrasyada’ ngayong Sabado, 3:00 pm, pagkatapos ng It’s Showtime!.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …