Wednesday , May 29 2024

PO2 Tiuseco handa ng pagsilbihan ang Pilipinas

Rated R
ni Rommel Gonzales

NATAPOS na ni JC Tiuseco ang kanyang Basic Citizen Military Course (BCMC) bilang reservist sa ilalim ng Philippine Navy.

Ayon sa post ng aktor sa Instagram, ”What a life-changing experience! Joining the military is one of the best decisions i’ve made.”

Hindi naman nakalimutan ng aktor na magpasalamat sa kanyang mga nakasama sa training kabilang na ang aktor na si Enzo Pineda na isa na ring marine reservist. Nagpasalamat rin siya sa kaniyang drill instructors at siyempre sa pamilya niya na sumusuporta sa kanyang pangarap.

“Thank you to Batch “Maalab” BCMC 03-2021 and to my Buddy Enzo for the camaraderie and friendship that we built inside the training camp. Thank you to all our Oscars and Drill instructors for sharing the knowledge and experience. Also want to thank my family for supporting me in this new path that i chose,” anang actor/model.

Nagbigay naman ng pagbati ang ilan sa mga kaibigan ni JC gaya ni  Rocco Nacino na isa ring Navy Reservist.

“Snappy brotha!! Congratulations mate!!!” pagbati ni Rocco.

Handa na ang aktor na pagsilbihan ang bansa bilang si PO2 Tiuseco.

“PO2 Tiuseco reporting for duty! For God and Country! Navy Hooyaaahhh! Marines Hoooraaahh! #InspiretheYouth #ForTheNextGeneration #MabuhayPilipinas” ang mensahe ng aktor sa kanyang post.

About Rommel Gonzales

Check Also

Angel Guardian Running Man PH

Angel ‘di na habol manalo, mas gustong mag-enjoy bilang runner

RATED Rni Rommel Gonzales ULTIMATE Runner sa Season 1 ng Running Man Philippines si Angel Guardian kaya natanong ito …

Aica Veloso Kulong

Aica nais kumawala karanasan sa isang kapitbahay

RATED Rni Rommel Gonzales NAGBAHAGI ng kanyang mapait na karanasan ang Vivamax female star na si Aica Veloso nang …

Paolo Ballesteros Kira

Paolo hinangaan pag-e-escort sa prom ng anak

MATABILni John Fontanilla SINALUDUHAN at pinuri ng netizens ang Eat Bulaga host na si Paolo Ballesteros nang mag-escort ito …

Kathryn Bernardo FAMAS

Kathryn nasungkit 1st FAMAS Best Actress award

MA at PAni Rommel Placente SI Kathryn Bernardo naman ang wagi bilang Best Actress para sa mahusay …

LA Santos FAMAS

LA Santos Best Supporting Actor ng 72nd FAMAS award

MA at PAni Rommel Placente SI LA Santos ang is tinanghal na Best Supporting Actor sa katatapos …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *