Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kathryn Bernardo Girl Scout of the Philippines GSP Ambassador
Kathryn Bernardo Girl Scout of the Philippines GSP Ambassador

Kathryn Bernardo, hinirang na Girl Scout of the Philippines Ambassador

HINIRANG bilang Girl Scouts of the Philippines ambassador ang Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo. Bagay na bagay ang ka-love team ni Daniel Padilla rito dahil dating miyembro rin ng GSP ang aktres.

Base sa video mula GSP FB page, ipinahayag ni Kath sa mga batang member ng GSP ang kanyang kagalakan noong girl scout days niya.

“Dapat na masipag gumawa ng homework, masipag gumawa ng household chores, masipag kapag sa classroom, after you eat, dapat ay itinatabi agad ang pinagkainan n’yo. Dapat mayroon tayong initiative to do things na kahit hindi sabihin sa atin, we gonna do it on our own, kailangan na mas mag-strive harder para mas matuto…

“Kailangan maging matulungin… once you grow up, kapag may trabaho na kayo, dapat tumutulong pa rin tayo sa family natin, sa friends natin kung kailangan nila tayo, maraming ways para makatulong and sana hanggang lumaki kayo, ma-empower n’yo ang ganyang character, be helpful,” saad ni Kath.

Nabanggit din dito ni Kath ang ilang experience niya noon bilang batang scout. “Ever since I was a kid, super masaya ako na naging part ako ng girl scouts because aside from the camping, I know iyong mga pinaglalaban ng girl scout.

“I’m really excited to work with this, my new family to promote different type of values to the youth to the kids. Medyo matagal na since naging girl scout ako and I’m willing to learn everything again,” saad ng bidang aktres sa La Luna Sangre.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Lala Sotto MTRCB

Sa pamumuno ni Chair Lala Sotto, MTRCB nakapagribyu ng 172,000 na materyal noong 2025; isinumiteng mga pelikula umangat sa 13.34%

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKAPAG-REVIEW ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), …

Beauty Gonzalez

Beauty certified yoga instructor na

I-FLEXni Jun Nardo MATAPANG, bumiyahe mag-isa si Beauty Gonzales, huh! Ginawa niya ‘yan nang pumunta siya …

Robi Domingo John Lloyd Cruz

John Lloyd at Robi muntik daw magsuntukan sa kasal nina Zanjoe at Ria

MA at PAni Rommel Placente HOW true na muntik na raw magsuntukan sina Robi Domingo at John Lloyd …

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …