ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Duterte si Eduardo Villanueva Manalo bilang Special Envoy of the President for OFWs concerns.
Epektibo ang kanyang appointment mula 30 Enero 2018 hanggang 29 Enero 29, 2019.
Inaabangan ng publiko kung ang pagtatalaga kay Manalo bilang Special Envoy ng pangulo ay tatanggapin at babasbasan ng buong INC.
Ayon sa isang political observer, tila may “impropriety” sa pagtanggap ni Manalo ng puwesto sa gobyerno lalo na’t may separation of the Church and State provision sa Philippine Constitution at ang isang religious group ay inaasahang “neutral” sa usaping politika.
Habang si Herman Billones Jumilla ay bagong undersecretary ng Department of Budget and Management (DBM).
Si Jumilla ang kapalit ng dating usec ng DBM na si Gertrudo de Leon na una nang sinibak sa puwesto ni Pangulong Duterte dahil sa isyu ng katiwalian.
Mahigit 20 personalidad pa ang itinalaga sa puwesto ng pangulo sa DILG bilang mga director at operations officers, habang 16 ang mga bagong government prosecutor.
ni ROSE NOVENARIO