Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mag-iinang Kris, Joshua, at Bimby, masayang sinalubong ng mga taga-Tate

SA Los Angeles, California nagpunta ang mag- iinang Kris, Joshua, at Bimby Aquino na dapat sana ay sa Asian country lang ang destinasyon nila base sa payo ng doktor noong bumaba ng sobra ang blood pressure ng una.

At dahil umokey na kaya nasunod ang gusto ng mga anak na sa Amerika sila nagpunta na gusto rin ni Kris at deadma siya sa jetlag kesehodang may webisodes shoot siya pagbalik niya ng Manila.

Sa paboritong five-star hotel na The Peninsula Beverly Hills along South Santa Monica Blvd. naka-check ang mag-iina at base sa post ni Kris nine hours ago habang tinitipa namin ang balitang ito at nakakuha kaagad ng 13,855 likes at 169 comments na karamihan ay nagsasabing, ”Welcome to the USA @krisquino, hope you will have the rest and fun in your short vacation with your kiddos,” at maraming pawang positive pa.

Litrato ng mga unan nilang mag-iina na may initials pa, ”Jetlag- please let us win over you sharing this because my friends @thepeninsulamanila deserve a THANK YOU- they helped me secure our connecting rooms booking here & their counterparts gave me a special family rate. I have a new Blog post uploaded about financial practices that are working well me it’s lunchtime here, madaling araw sa Philippines. But unfortunately, sleepy time for us. Ayokong labanan, will pray we adjust by tomorrow. #faith #family #loveloveloe.”

Sinagot naman si Kris ni @vangeerodondo”It’s our pleasure having you Ms @krisaquino here at The Peninsula Beverly Hills & thank you for choosing us as your home with you stay here in Beverly Hills.”

Samantala, naikuwento naman ng KCA staff na si Gianni Jasper na may ilo-launch silang website ni Kris na www.kristinaaquino.ph.

“We have a new milestone po in KCA’s digital journey. We are launching her very own website po. It will have her fashion guide, blogs, webisodes and list of trusted partners,” say ni Gianni.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …