Saturday , November 2 2024
electricity meralco

PCC kinalampag sa monopolyo sa power supply

NANAWAGAN kahapon si Quezon City 2nd District Rep. Winston Castelo sa Philippine Competition Commission (PCC) na gumawa ng kaukulang hakbang para maputol ang monopolyo sa power supply sa bansa.

Ayon kay Castelo, nasa ilalim ng kapangyarihan ng PCC ang pagsusulong sa interes ng mga mamimili, kabilang ang mga konsyumer ng koryente at pagpipigil sa mga mapagsamantalang kompanya na nasa sektor ng enerhiya.

Aniya, kung pinayagan ng pamahalaan ang pagpasok ng ikatlong  telecommunication player sa bansa para mapagbuti ang serbisyo ng telekomunikasyon sa publiko ay bakit hindi ito gawin sa energy sector.

“Kung sinasabi nilang mas gaganda ang serbisyo sa mga customer kapag nagkaroon ng third party sa telcos, dapat ay gawin din nila ito sa energy sector. Putulin nila ang monopoly ng Meralco para hindi magkaroon ng manipulasyon sa presyo ng koryente,” giit ni Castelo.

“Huwag pag-initan ng gobyerno ang mga telco. Nandiyan din ang monopolyo sa supply ng koryente na nagiging dahilan ng pagpapataw nang sobra-sobra o hindi makatuwirang power rate,” dagdag niya.

Reaksiyon ito ng kongresista makaraang ianunsiyo ng Manila Electric Company (Meralco) ang pagtataas ng kanilang singil ngayong Pebrero at sa susunod na buwan na dagdag-gastos at pabigat sa publiko.

Sa anunsiyo ng Meralco, magpapatupad ito ng 75 centavos na dagdag sa kanilang singil ngayong Pebrero at 33 centavos sa Marso para sa kabuuang P1.08 per kilowatt hour (kWh) na pagtataas.

Pinasisilip din ni Castelo sa PCC ang pagkakaroon umano ng sabwatan ng Meralco at iba’t ibang power generation companies para manipulahin ang presyo sa koryente.

Magugunita na noong Abril 2016 ay isinumite ng Meralco sa Energy Regulatory Commission (ERC) ang pitong Power Supply Agreements (PSAs) nito para sa kabuuang 3,551 megawatt na suplay ng koryente sa pitong gencos.

Ngunit ang naturang power companies at ang Meralco ay mayroon uma­nong ugnayan sa isa’t isa dahil ang huli ay nagmamay-ari ng shares o kasosyo ng mga una.

“Biruin mo, itong Meralco ay bibili ng koryente sa generation company na iyon rin pala ang may-ari o kasosyo. Kaya we are asking the PCC to look into the ownership of these gencos at alamin kung may pagmamay-ari ba ng Meralco d’yan,” ani Castelo.

 

About hataw tabloid

Check Also

Bicol Money

Sa pananalasa ng bagyong Kristine
SA P132-B PONDO PARA SA BICOL FLOOD CONTROL MAY DAPAT MANAGOT — IMEE

TINULIGSA ni Senadora Imee R. Marcos ang malalang pagbaha sa Bicol sa kabila ng P132 …

Rodrigo Duterte Bato dela Rosa

Kung may sapat na batayan
DUTERTE SAMPAHAN NG KASO, HAMON NI SEN. BATO DELA ROSA

HINAMON ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa ang nais magsampa ng kaso laban kay dating …

PAGASA Bagyo Leon

Signal No. 5 itinaas sa Batanes daluyong pinangangambahan

ITINAAS ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 5 sa hilaga at silangang bahagi ng lalawigan …

arrest, posas, fingerprints

Pumugot sa sekyu sa QC timbog

NADAKIP ng Quezon City Police District (QCPD) ang driver na pumugot sa security guard ng …

Arrest Posas Handcuff

DILG’s most wanted na pumatay sa Konsehal, naaresto ng QCPD

NAARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District – District Intelligence Division (QCPD-DID) ang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *