Wednesday , March 29 2023

3rd telco bubusisiin (Bago makakuha ng prangkisa)

HINDI magiging madali para sa ikatlong telecommunications company na papasok sa bansa na makakuha ng congressional o legislative franchise, ayon sa grupo ng oposisyon sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Ang congressional franchise na dapat ay may bisa  hanggang 31 Disyembre 2023   ay isa sa pangunahing rekesito na nakapaloob sa draft guidelines na ipinalabas ng Department of Information and Communications Techno­logy (DICT) para maka­pagpatayo at makapag-operate ng telecommunications facilities at services sa buong bansa.

Sinabi ni House Minority Leader at 3rd Dist. Quezon province Rep. Danilo Suarez,  kikilatisin ng mga mambabatas ang kakayahan ng papasok na bagong telecommunications company na maglaan ng kinakailangang puhunan o kapital para tustusan ang magiging operasyon nito.

“It’s not that easy to come up with a third player. Alam mo kung wala kang ten billion dollars, malaki ang iro-roll out mo rito, marami kang cell sites na kailangang itayo at iba pang facilities,” sabi ng Quezon lawmaker.

Matigas  sa kanyang paninindigan si Suarez na hindi dapat  Chinese firm ang magiging third telco player ng bansa bilang bahagi na rin, aniya, ng pag-iingat sakaling magkaroon ng lamat ang relasyon ng Filipinas at China.

“Huwag lang Chinese, kasi kanila na ang koryente tapos sa kanila pa rin ang telco, masyado na nilang dominated ang ating public utilities. Heaven forbids, magkakaroon tayo ng problema sa China, hawak nila ang koryente, puwede nilang patayin ang koryente, hawak nila telco, ikaw ba mabubuhay ka nang walang cellphone? ‘Yung sa akin precautionary lang naman, marami namang ibang players.” pagbibigay-diin  ng mambabatas.

Sinabi  ni AKBAYAN party-list Rep. Tom Villarin na isasalang nila sa masusing pagbusisi anghindi pa natutukoy na third telco player kaya inaasahang  dadaan ito sa butas ng karayom.

“Marami pa ring concerns, issues na kailangang i-address ng third player na papasok sa ating local telecommunications sector. So, hindi iyan overnight na  sa tingin nila ay tapos na ‘yan, it’s not a done deal yet. Dadaan pa sa Congress ‘yan and we have to look into that. And of course, ang Philippine Competition Commission (PCC) will look into that and other regulatory agencies of government will also look into that,” anang party-list solon.

Kabilang sa nakikita ni Villarin na pangunahing dapat maresolba ng third telco player ang pagkakaroon nito ng kaukulang pahunan, kakayahang gumawa o magtayo ng kinakailangan nitong pasilidad, kapasidad sa aspetong teknikal at pagkakaroon ng local partner, partikular angpagtugon sa probisyon na 60/40 ownership ng kompanya na pabor sa Fi­lipino partner at iba pa.

Dagdag  ni Villarin, kapag dumating sa puntong isasalang sa Kongreso para sa aplikasyon ng legislative franchise ang bagong telco, pangunahin niyang hihimayin ang intensiyon ng kompanya, partikular kung mas isinasaalang-alang nito ang pagkakamal ng malaking kita kaysa interes ng consumers.

Ayon naman kay Buhay party-list Rep. Lito Atienza, senior deputy minority leader ng Kamara, sisiguradohin niyang may kaukulang safety nets at restrictions sa ibibigay na prangkisa sa third telco, partikular ang pagtitiyak na hindi ibebenta ang kompanya para lamang kumita at itigil nang walang sapat na dahilan ang kanilang operasyon.

About hataw tabloid

Check Also

Jenine Desiderio

Jenine aktibo pa rin sa pagkanta

HATAWANni Ed de Leon HINDI namin agad siya nakilala kasi naka-face mask noong makita namin …

Bulacan Police PNP

10 ‘tulak’ sa drug watchlist kinalawit

INARESTO ang 10 indibidwal sa pagpapatuloy ng kampanya ng pulisya sa Bulacan laban sa ilegal …

COMPOSITE SKETCH Marlon Serna

Sa pamamaslang sa hepe ng San Miguel MPS
COMPOSITE SKETCH NG SUSPEK INILABAS

NAGLABAS ang Philippine National Police (PNP) ng composite sketch ng isa sa dalawang suspek na …

Jose Hidalgo Marlon Serna

RD Hidalgo binisita ang burol ng napaslang na hepe ng San Miguel MPS;
Reward para sa mga killers umabot na sa P1.7-M

Nagbigay ng kanyang huling paggalang si Police Regional Office 3 Director PBGeneral Jose S. Hidalgo …

iSCENE 2023 PAPI DOST

Are you ready for the biggest and the smartest 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗶𝗻 𝘁𝗵𝗲 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲𝘀 this year?

Join us on March 23-25, 2023, in the first ever 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗦𝗺𝗮𝗿𝘁 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗱 …

Leave a Reply