PORMAL nang binuksan ng Czech Republic ang kanilang pintuan para mag-alok ng mga trabaho sa mga Filipino.
Sinabi kamakailan ni Czech Ambassador to the Philippines Jaroslav Olsa, Jr., kailangan punan ng kanilang bansa ang pangangailangan sa mga manggagawa.
Kabilang sa mga trabahong maaaring pasukin ng mga Filipino ay driver, manufacturing technician, warehouse manager, warehouse worker, forklift operator, baker, butcher, nurse, at caregiver.
Bagama’t wala pang pormal na bilateral labor agreement sa pagitan ng Czech Republic at Filipinas, inaayos na ang mga visa ruling.
Maagang ginawa ni Olsa ang anunsiyo para mapaghandaan ng mga Filipino ang mga posibleng trabahong mapapasukan.
Kaugnay nito, kinikilala ni Olsa ang pagiging masipag at positibo ng mga Filipino sa trabaho.
Isa ang Filipinas sa tatlong bansa na nais kuhaan ng Czech Republic ng mga manggagawa, kasama ang Mongolia at Ukraine.