Tuesday , December 3 2024
tubig water

PH, Australia, sanib-puwersa para sa water security

LUMAGDA sa isang Memorandum of Under­standing ang Manila Water kasama ang International Water Centre (IWC) ng Australia kabilang ang University of Queensland, Australia, Advance Water Management Centre na naglalayong pag-ibayohin ang kanilang serbisyo at pagtitiyak sa water security sa mga rehiyon sa bansa.

Nabatid na ipapamalas ng programang pinangalanang “Collaborative Sphere of Excellence in Water Security for the Asia Pacific Region” ang kakayahan ng tatlong nasabing institusyon kabilang ang paglilinang at pamamahagi ng kaalaman ng Advance Water Management Centre, pamimigay ng trainings ng IWC, na puwedeng gamitin ng Manila Water na principles at stewardship.

Layunin ng programa maipakita ang kahalagahan ng  water security lalo sa panahon ng climate change, pagtaas ng bilang ng populasyon at pagkawasak ng kapaligiran at iba pa.

Ayon kay Manila Water Chief Operating for New Business operation Virgilio Rivera, Jr., ang naturang programa ay nagpapakita ng determinasyon ng kompanya na mag-ambag para sa ikatatagumpay ng Sustainable Development Goals (SDGs) ng United Nations na magbigay ng malinis na tubig.

Nais ng Manila Water na magkaroon ng mga gawaing makatutulong sa pagpapanatili ng water security sa iba’t ibang parte ng bansa kaya’t labis ang kanilang paghihikayat sa iba’t ibang institusyon para makahingi ng sapat na tulong.

“Our vision is to get quality and committed stakeholders to get involved in creating and implementing projects that will assist in ensuring the availability and sustainable management of water and sanitation for all,” saad ni Rivera.

About hataw tabloid

Check Also

Krystall Herbal Oil

Nangangaliskis na skin pinakinis ng krystall herbal oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Christmas by the Lake Taguig Cayetano

Christmas by the Lake ng Taguig muling binuksan sa publiko, tampok mga bagong atraksiyon

NGAYON sa ikatlong taon nito, ang pinakaaabangang Christmas by the Lake ay muling binago ang …

DOST 2024 NSTW highlights opportunities in green economy in CDO

DOST 2024 NSTW highlights opportunities in green economy in CDO

LOCALS of Cagayan de Oro City and its nearby municipalities and provinces are in for …

DOST 1s OneASIN Ushers in New Era for Ilocos Norte Salt Industry

DOST 1’s OneASIN Ushers in New Era for Ilocos Norte Salt Industry

A groundbreaking Memorandum of Understanding (MOU) signing ceremony at SOLA Hotel, Laoag City, Ilocos Norte, …

SM WVSU Quezon Hall FEAT

WVSU landmark revived through collaborative restoration effort
SM Group, WVSU restore Quezon Hall to support modern academic standards

The West Visayas State University (WVSU) Quezon Hall has been fully restored and reopened. The …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *