Monday , December 6 2021

P500-M OFWs terminal fee & travel tax saan napunta?

HINAHANAP ni Labor Secretary Silvestre “Bebot” Bello III kung saan napunta ang P500 mil­yones terminal fee at travel tax ng overseas Filipino workers (OFWs) mula noong 2015 na supposedly ay napunta sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).

Ito ‘yung halaga na dapat i-refund sa mga OFW. Kung indibiduwal na refund, siyempre maliit talaga ito. Pero dahil pinagsama-sama, hayan umabot sa P.5 bilyon.

Pero itinanggi ng CAAP na nasa kanila ang pondong ‘yan.

Wala raw sa CAAP, dahil karamihan ng international airport (pito sa kabuuan) na nasa kanilang pangangalaga ay pawang turista ang umaalis at pumapasok. Maliban sa Davao International Airport, pero hindi umano nani­ningil ng travel tax at terminal fee.

Ang iba pang airports sa ilalim ng CAAP ay General Santos, Puerto Princesa, Iloilo, Zam­boanga, Kalibo, at Laoag.

Kaya ibig bang sabihin nito, ni kusing mula travel tax at terminal fee ay walang nahaha­wakan ang CAAP?

Ayon sa tagpagsalita ng CAAP na si Eric Apolonio,

“Majority of the OFWs use the airports in Manila (NAIA), Cebu, and Clark. These other airports have their own mandates.”

Sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) naman, mayroong refund center, na puwedeng ipakita ng OFWs ang kanilang ticket at certifi­cates para makuha ang refund.

Nabatid din na ang Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) ay may koleksiyon din mula sa travel taxes.

Ang travel tax ay kasama sa halaga ng ticket, dahil hindi naman umano alam ng airline kung ang pasahero ay OFW o hindi, noong i-book nila ang ticket.

Bigla tuloy sumakit ang ulo ni Secretary Bello. Sa rami pala ng pinatutunguhan ng travel tax at terminal fee, e marami rin siyang kaka­usapin.

Ang tanong: may hawak bang listahan at numero si Secretary Bello kung ilang OFW ‘yan?!

Baka naman matapos ‘yang kuwentahan na ‘yan sa  turo-turo?!

Ano sa palagay ninyo Secretary Bebot?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Sir Jerry Yap JSY

MARAMI na akong nabalitaang uri ng pagpatay, pero hindi ko akalain na sa ganitong panahon …

Sir Jerry Yap JSY Hataw

Isang alaala ng walang pag-iimbot na pagtulong

ISANG alaala na hindi ko makalilimutan habang ako ay nabubuhay ay nang magkaroon ako ng …

Sir Jerry Yap JSY Percy Lapid

True friendship lasts forever

MAGANDANG gabi po sa inyong lahat. Una ko pong nakilala si Jerry Yap, sa katotohanang …

Sir Jerry Yap JSY Rommel Sales

Maligaya na ang birthday ko, okey na si Rommel — JSY

MARAMING salamat, Sir JSY. Nabulabog mo kaming lahat, mga tauhan mo, pamilya, lahat ng nagmamahal …

Leave a Reply