Monday , May 20 2024
Christmas On Display COD Araneta Center
Christmas On Display COD Araneta Center

COD, ibabalik sa Araneta Center

MAGIGING masigla muli ang pagdiriwang ng Kapaskuhan sa pagbabalik ng isang nakasanayan ng kasa-kasama tuwing Pasko. Ito ‘yung Christmas On Display o mas kilala bilang Manila C.O.D..

Ibabalik ng Araneta Center ang COD na nagpa-wow sa mga kabataan at matatanda noon. Na tiyak na kagigiliwan din ng mga millennial ngayon dahil sa kanilang animatronics display na makikita sa Times Square Food Park, Araneta Center.

Ang moving Christmas display ay likha ni Mr Alex Rosario, Sr.,  at ayon sa anak nitong si Rey Rosario, CEO at president ng Rosario Animated Display, tiyak na masisiyahan ang kanyang ama sa pagbabalik ng COD sa dati nitong tahanan.

Kaya naman ang tema nitong Christmas Comes Home ay akmang-akma.

“Masaya ako na naibalik na rito sa Araneta Center ang Christmas on Display. It’s a very nice feeling. It has always been home to us,” anang batang Rosario.

Ilulunsad ang COD sa Nov. 23 sa bagong tahanan nito sa Araneta Center, ang Times Square Food Park, na malapit sa Times Square at Gen. Roxas Avenues, ilang hakbang lang mula sa rati nitong tahanan. Ang food park, simula pa noong 2017, ay ang kinalalagyan naman ng iconic 100-foot giant Christmas tree na magkakaroon ng annual Giant Christmas Tree Lighting.

“Araneta Center is really a destination for people from all walks of life celebrating Christmas in this part of Metro Manila. We have lots of activities and surprises to thrill our customers, starting of course with our iconic giant Christmas tree,” sambit naman ni Antonio T. Mardo, Araneta Center’s Senior Vice President for Operations.

Ang annual tree lighting ay gagawin sa Nov. 16 na dadaluhan ng mga naglalakihang celebrities.

Mapapanood ang COD ng libre sa loob ng food park para mas maging masaya ang pami-pamilyang magtutungo roon. Mapapanood ito simula Nov. 23 ng 6:00 p.m. hanggang January 6. Bawat show ay tatagal ng 20 minutes with 15-minute intervals.

About hataw tabloid

Check Also

FTSFI 8th Kasalan sa SM 1

SM Group unites 16 couples in mass wedding

On May 15, 2024, 16 couples exchanged vows at the 8th Kasalan sa SM, an …

Krystall Herbal oil FGO Fely Guy Ong

Kabag sa alimuom ng ulan tanggal sa Krystall herbal oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

DOST Collaborates with Vintar to Establish Bamboo Textile Hub

DOST Collaborates with Vintar to Establish Bamboo Textile Hub

THE Department of Science and Technology Region 1 (DOST 1), through the Provincial Science and …

DOST brings Starbooks to Region 2

DOST brings ‘Starbooks’ to Region 2

THE Department of Science and Technology Region 2 and the Office of the 4th Legislative …

DOST PAGASA to launch Mindanao’s first planetarium

DOST PAGASA to launch Mindanao’s first planetarium

The Department of Science and Technology – Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (DOST-PAGASA) …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *