Monday , April 6 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kilig overload sa commercial nina Sharon at Gabby

THERE is a reason para ngayon pa lang eh, magalak na ang mga tagahanga ng Megastar na si Sharon Cuneta at naging kapareha nito sa Dear Heart na si Gabby Concepcion decades ago. Na naging ex-boyfriend and girlfriend. Hanggang naging ex-husband and wife.

Mukhang ngayong taon na magaganap ang pagsasama ng dalawa. Lalo na sa TV o pelikula.

Days ago, may tagahanga na nila ang nakapagbalita sa FB account nito na nakita niya which said: ”’Yung pagpunta ko ng Mcdo Savano may nakalagay na spot light at maraming tent may shooting pala ng commercial  Eating while watching mcdo commercial. Nice one Gabby at Sharon timing talaga kayong dalawa kase may star sa gabe ”

McDo Savano Park is located at Tungkong Manga, San Juan del Monte, Bulacan.

And days before this commercial shoot, kilig na kilig na ang marami nilang mga tagahanga sa pagpapalitan na ng komento ng dalawa sa kanilang Instagram accounts.

“Hello tita tsek mo instagram ni gabby. Nagpost si sharon ng ‘you naughty crazy’ kc si gabby nagpost n bnibigyan nya flower si sharon. Ung 10 20 pla code name nila ng i love you sa isat isa.

“Ang sabi po, When the end approaches so does the beginning. # goodvibes #10#20 nagpost si gabby nyan tapos picture nya may hawak na roses   bgla sumagot na si sharon knina sa instagram nya.  “ you naughty crazy” no se que…  #goodvibes only.

“Sabi nung mga orig fans ni nila ung 1020 dw ay code number nila sa radio nung magdyowa pa sila.”

‘Yung 1020 pala code sa i love you. Tapos dami ng sunod-sunod  na post si Sharon na mga quote na patungkol sa kanila.

‘Yung isang fan pala ni Gabby nagpa-authograph ng mga old pictures sa kanya. Ginawa ni Gabby nilagyan niya ng ‘AKIN KA tapos love kita.. .i love you’ at ung picture nila noong kasal nila nilgyan ni Gabby ng ‘ASaWa’ hehe. Nilgyan pa ni Gabby ng arrow ‘yung picture ni Sharon nakalagay ‘i love you’ he he he, balik-teen-ager ‘yung dalawa.

“Slam book nung fan. Pina authograph lang k gabby kung anu ano gnawa ni gabby sa pictures. Last week lang dw nagpa authograph yun k gabby. Luma na mga pictures nila. Ung sulat ni gabby sa mga pictures ang latest. Mainam nman ung maging frnds lang sila pra k kc.”

So, ito na ang simula patungo sa inaantabayanang pagsasama nila muli sa pelikula.

Makikita mo nga ang positivity sa posts nila saying, ”Even miracles take a little time.”

O, may sinasabinpang “babe cave”.

Kung ganitong pinakikilig na ng dalawa ang kanilang fans, at may isang taong lubha nilang pinaliligaya (si KC Concepcion), wala ng puwang na may mag-inarte pa para mangyari na ang itinakdang pagsasama nila.

Isa ako sa nag-aabang diyan!

HARDTALK
ni Pilar Mateo

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Wally Bayola

Wally Bayola naaksidente motor sumemplang  

BUMANGGA ang sinasakyang motor ni Wally Bayola sa isang pothole sa Barangay Bel-Cruz sa Andaya …

Princess Aliyah Fred Moser

Princess Aliyah pag-amin lantaran: BF material si Fred Moser!

ni Allan Sancon HINDI na nagpaligoy-ligoy pa si Princess Aliyah nang usisain tungkol sa tunay na estado …

Martin Romualdez

Mahal na Araw sagradong panahon para magnilay — Rep Romualdez

GINUGUNITA ngayong linggo ng mga Kristiyano ang pinakamahalagang yugto sa buhay ni Hesukristo, ang kanyang …

Beautéderm Rhea Tan namahagi ng tulong delivery riders tricycle drivers

Beautéderm CEO na si Rhea Tan, namahagi ng tulong sa 200 delivery riders at tricycle drivers 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NABIYAYAAN ang 200 delivery riders at tricycle drivers ng mga …

Salome Salvi

Kasong isinampa kina Salome at Tyo Bri ng KSMBPI tuloy pa rin

HARD TALKni Pilar Mateo TULOY pa rin ang paghahatag ng kaso ni Dr. Michael Raymond A. …