Monday , December 23 2024

Istorya ni Papa Ahwel, pinili ni Ms. Charo para itampok sa MMK

DAHIL sa isinulat ni Ricky Lo sa Philippine Star na kuwento ng buhay ng radio/TV personality na si Papa Ahwel Paz ay nagka-interes ang Maalaala Mo Kaya host na si Ms Charo Santos-Concio na isadula ito sa programa niya.

Bungad sa amin ni Papa Ahwel nang magkita kami sa finale presscon ng Wildflower, “sabi ni Ma’am Charo, ‘can we share your story on MMK?’

“Ma’am Charo personally chose my story after reading Tito Ricky Lo’s feature of me. She readily called ‘MMK’ prod to contact me. I did not have any hand in the production except the script. Tapos ng staff, ngayon lang nagla-like at comment si CSC sa page ng ‘MMK’ he he he.

“Siyempre RB (tawag sa amin ni Papa Ahwel), napakasarap ng feeling kasi magiging blessing ulit sa maraming tao ‘yung kuwento ng pamilya namin kapag napanood nila.

“Kasi ‘yung kuwento ng pamilya namin ay tiyak na maraming makaka-relate na nag-struggle kami na nakatira kami sa malapit sa riles ng tren, magtitinda ka na ang panalangin namin sana maubos ang paninda para may kita at the same time sana may matira sa paninda para may pangkain kami.”

Sobrang hirap talaga ang naranasan ng pamilya ni Papa Ahwel noon na ang ibang kapatid ay nagtitinda ng sweepstake kaya ipinangako niya sa sarili niya na gagawa siya ng paraan para umahon silang lahat sa hirap.

Ipakikita sa MMK ang naging relasyon ni Papa Ahwel at ng tatay niya na iniwan silang mag-iina kaya sila dumanas ng hirap.

“Isinumpa ko ang tatay ko kaya ito ang naging dahilan kaya ako nagsikap ng husto, kasi itinaboy niya ako noon,” sabi sa amin.

Tandang-tanda ni Papa Ahwel na noong pinuntahan niya ang tatay niya dahil gusto niyang humingi ng tulong para makapag-aral.

“Sabi niya, ‘alam ko kung sino ka kung pupunta ka rito para humingi ka ng aginaldo, wala akong ibibigay sa ‘yo.’

“Nagulat ako kasi kaya lang naman ako nagpunta sa kanya para masabing may tatay ako para sa school. Tapos tinanong kung sinong kasama ko at noong sinabi kong si nanay, sabi niya, ‘kung pupunta ka rito, huwag mong isasama ang nanay mo.’”

At ditto nagsimula nang husto ang galit niya sa ama.

Hirit namin na hindi nagiging matagumpay ang buhay ng mga anak kapag may galit sa magulang, pero kabaligtaran ang nangyari kay Papa Ahwel.

“Oo, may ganoon nga, pero nag-succeed ako kasi may kapatawaran.

“Nagkapatawaran kami ng tatay ko at nalaman ko na habang galit ako pala sa kanya na naging sandigan ko, gusto kasing ipakita sa tatay ko na nagkamali siya sa pag-iwan sa amin.

“Kaya lahat ng ginagawa ko noon, gusto ko mag-excel ako, sa mga contest, maging honor student at nangyari naman at sinabi ko sa sarili ko na hindi ko siya i-invite.

“Pero without me knowing it, pumupunta pala siya sa school sa tuwing tatanggap ako ng medal. Hindi ko alam na sinusuportahan pala niya ako, ‘yung contest piece ko na ‘Oh Captain, My Captain’ lagi niyang pinakikinggan, kapag nasa diyaryo ako, lagi niyang ipinagmamalaking nasa diyaryo ako at kapag napapanood ako sa TV lagi niyang sinasabing ‘anak ko ‘yan.’ At ‘yung polo na paborito kong isuot ay bigay niya pala na hindi ko alam na ang katwiran niya kahit wala siya sa tabi namin ay kasama ko siya,” kuwento sa amin.

Para hindi masyadong masaktan silang magkakapatid ay pinalaki sila ng ina sa paniniwalang ‘walang tatay sa mundo.’

“Sabi ni Nanay kasi na wala akong tatay, kaya noong first day of class ko, tinanong ng teacher kung sino ang gustong magpakilala at nagtaas kaagad ako ng kamay at ‘yun nga sinabi ko lahat ang pangalan ng nanay at mga kapatid ko.

“Tinanong ako ng teacher, ‘anong pangalan ng tatay mo?’ At sinagot ko ang teacher ko ng, ‘di ba po, wala namang tatay sa mundo? Kasi ‘yun ang sabi ng nanay ko, kasi po lahat ng anak ay galing sa nanay,’”  kuwento ni Papa Ahwel.

Kaya nagising sa murang edad si Papa Ahwel at ipinangako sa ina na hindi na sila maghihirap at dahil magaling magluto ang nanay niya ay nangako siyang, “ipagpapatayo kita ng restaurant” na nangyari naman dahil mayroon na siyang Dong Juan Restaurant along Mother Ignacia Avenue, Quezon City.

At sa sinasabing nagkapatawaran na sina Papa Ahwel at tatay niya ay nangyari ito bago namatay ang ama.

Sa mga karagdangang kuwento ng buhay ni Papa Ahwel ay mas magandang panoorin sa MMK sa Sabado, 8:00 p.m. na gagampanan ni Francis Maguindayao mula sa direksiyon ni Topel Lee.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *