Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Maling-mali na idinadamay ang mga mahal ko sa buhay — Robin

HANEP, ah!

May 20.7 % ratings sa unang salang ng mga bida sa Sana Dalawa ang Puso. Featuring Jodi Sta.

Dahil umaga ito napapanood, ang lakas ng pagbabahagi ng core values ng isang pamilya. Sa end ng totomboy-tomboy na si Mona  ang laman ng sabungan.

In contrast sa kakaiba rin namang pag-aalaga ng pamilya ni Lisa sa kanya. Na inireto sa lalaking hindi niya gusto.

One great big adventure in love and life ang karakter ng dalawang taong magkamukha. Todo subaybay sa idolo ng Jodi-Richard tandem ang fans nila.

Kay Manong Batch (Robin), inaantabayanan ang klase ng pagpapa-cute niya with matching action sa mga eksena niya.

Abala na naman si Robin lalo na sa kanyang endorsements. At ang dream project niya for Marawi na naglalatag na ng mga plano sa kanilang shoot.

And being part of the jury in a reality show is one thing na sabi nga niya eh, laging may sorpresang hatid sa kanya.

“May mga matututuhan. Lalo na sa pagbibigay mo ng opinyon. Pero sa ganang akin, ang prinsipyo ko naman eh, kailanman hindi mababali pagdating sa mga ganoong bagay. At lahat naman naiaayos. Ang mahirap ay kung may makikitid ang isip na hindi makatanggap sa katotohanan. Maling-mali kasi kapag idinadamay ang mga mahal ko sa buhay.”

Mukhang hindi naman na kakailanganin ni Binoe na kaladkarin pa patungong simbahan ang anak niya at si Aljur(Abrenica) as there are talks na nagpaplano na rin naman ang dalawa sa pag-aayos ng magandang future nila with their kid.

Back sa Sana Dalawa… nagiging lalong exciting ang show sa labanan ng dalawang puso ng dalawang babae sa dalawang lalaking ang target eh, masungkit ito!

HARDTALK
ni Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …