Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Maine, na-unfriend si Alden; AlDub nation, nabulabog

PARANG mahirap paniwalaang naaksidenteng napindot ni Maine Mendoza ang button sa kanyang IG gadget kaya na-unfriend o na-unfollow niya ang kanyang kalabtim na si Alden Richards.

aldub alden richards Maine Mendoza

Nabulabog kasi ang AlDub nation nang madiskubreng wala ang pangalan ni Alden sa listahan ng mga follower ni Maine. Agad nag-conclude ang mga ito na baka may “something” sa dalawa.

Maging si Alden ay nag-post ng kanyang pagtataka sa nangyari. Aniya, ”clueless” siya.

Agad namang nagpaliwanag si Maine. Hindi niya sinasadyang napindot ang button kaya na-unfollow niya si Alden. Ibinalik din niya agad ang name ni Alden, kaya no worries na.

Kumbaga, sa plot ng isang pelikula ay mahirap bilhin ang alibi ni Maine. Paano niyang aksidenteng mapipindot ang “unfollow” sa tagal na ng kanyang pagiging alipin ng social media?

May lihim bang sama ng loob si Maine sa kanyang katambal na hindi lang niya masabi-sabi kung kaya’t idinaan na lang niya by unfriending Alden on her IG account?

Hindi rin kaya “lumilikha” lang si Maine ng isyu para paingayin ang malamlam nang tambalan nila ni Alden?

Let’s face it, the past days or so ay hindi ang partnership nila ang in the news. Kinakabog sila ngayon nina Nadine Lustre at James Reid sa isyu pa rin ng pagiging liberated ng young actress.

To Maine, better luck next time. 

 HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …