Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

‘Bloodless’ tokhang wish ng Palasyo

UMAASA ang Palasyo na hindi na magiging ‘madugo’ ang muling pagpapatupad ng Philippine National Police (PNP) ng Oplan Tokhang.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, maaaring natuto na sa karanasan ang PNP kaya’t tiniyak sa publiko na iiral ang rule of law sa implementasyon ng anti-illegal drugs operation.

“(T)he PNP has said they want this tokhang operation to be less bloody. We are hoping it will be and we welcome the statement by the PNP as reaffirming their commitment to the rule of law,” sabi ni Roque sa press briefing kahapon.

Sa ilalim ng bagong Tokhang campaign, hindi puwedeng arestohin ng mga pulis ang mga pinaghihinalaang drug users at ang puwede lang nilang gawin ay bisitahin ang bahay ng mga drug suspect sa kanilang listahan.

Wala aniyang direktiba si Pangulong Duterte sa PNP hinggil sa pagbabalik ng Oplan Tokhang.

“No instructions. These guidelines of the PNP are voluntarily made. And of course, they are now conducting Tokhang also with the involvement of PDEA (Philippine Drug Enforcement Agency) or that has retained the lead in the implementation of the Dangerous Drugs Law,” ani Roque.

Batay sa ulat, mahigit 3,000 katao na ang napatay sa anti-illegal drugs operations ng PNP mula nang maluklok sa Malacañang si Pangulong Duterte noong 2016.

ni ROSE NOVENARIO

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …

Bojie Dy Sandro Marcos

Speaker Dy, Majority Leader Marcos naghain ng makasaysayang Anti-Political Dynasty Bill

ni Gerry Baldo ISINASAKATUPARAN ni Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III ang kanyang pangakong repormang …

PRC Physician Doctor Medicine

PRC Board of Medicine aprubado para sa imbestigasyon laban sa mga doktor ng Bell-Kenz

MALUGOD na tinanggap ng abogado at tagapagtaguyod ng karapatang pantao na si Lorenzo “Erin” Tañada …

Arrest Shabu

Parang kendi lang kung magbenta ng shabu sa kalye, 2 tulak nakalawit

DALAWANG personalidad na kabilang sa isinasangkot sa droga ang naaresto ng mga awtoridad sa ikinasang …