Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sweet at intimate photo nina Coco at Yassi, edited

KALIWA’T kanan ang nabasa naming negati bong reaksiyon sa lumabas na litrato sa Instagram na ipinost ni @mtchbrd na nakaupong magkalapit sina Coco Martin at Yassi Pressman sa isang tindahan na naka-angkla ang huli sa hita ng aktor at nakaakbay pa.

Inisip naming eksena ito sa FPJ’s Ang Probinsyano pero wala naman kaming napanood na umere na ito o baka naman eere palang?

At ayon sa mga nabasa namin ay, ”edited picture, assumera siya.”

Pakiwari namin ay ayaw ng mga nagkomento kay Yassi dahil bukod sa sinabing assumera ay may mga binanggit pang, ”wala talagang mapiga simpleng acting waley ang emotion ka-walang ganang manood; Iba sya asang-asa si lola.”

At isa-isa naming tsinek ang mga nagkomento at hayun, mga loyalistang supporters pala ng Coco-Juls (Coco at Julia Montes).

Nagtanong din kami kay Angeline Quinto, isa sa guest star ng FPJ’s Ang Probinsyano kung may napansin siya kina Coco at Yassi, pero ang mabilis na sagot sa amin ng dalagang singer, ”ay wala po akong alam!”

Baka naman ayaw lang magsalita ni Angge, ”serysoso ate Reg, ‘di naman kasi ako mahilig magchika at magmasid ng mga ganyan ha ha ha ha. Hindi ko pa naman nakaka-eksena si Yassi po, eh. Palaging si Coco at (mga) Pulang Araw lang po nakaka-eksena ko,” katwiran sa amin.

Ipinakita namin sa dalaga ang litratong kumalat sa social media at ang sagot ni Angeline, ”ate Reg hindi po ba edited ‘yan?, Parang edited po.”

Sa madaling salita maraming naniniwalang ‘edited’ nga ang litratong sweet sina Coco at Yassi dahil may mga taong nakausap na rin kami na wala silang matandaang ganoon ka-intimate mag-usap ang dalawang bida ngFPJAP lalo’t maraming tao at aangkla pa ang dalaga.

Sino kaya si @mtchbrd na nag-post nito at saan kaya niya nakunan ang litratong ito at kung totoong edited nga.

Naaliw naman din kami dahil ang daming nagpo-protestang Julia  fans ukol sa litrato nina Coco at Yassi. Ina-asinta na kaya sila ng bida ng Asintado?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Lala Sotto MTRCB

Sa pamumuno ni Chair Lala Sotto, MTRCB nakapagribyu ng 172,000 na materyal noong 2025; isinumiteng mga pelikula umangat sa 13.34%

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKAPAG-REVIEW ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), …

Beauty Gonzalez

Beauty certified yoga instructor na

I-FLEXni Jun Nardo MATAPANG, bumiyahe mag-isa si Beauty Gonzales, huh! Ginawa niya ‘yan nang pumunta siya …

Robi Domingo John Lloyd Cruz

John Lloyd at Robi muntik daw magsuntukan sa kasal nina Zanjoe at Ria

MA at PAni Rommel Placente HOW true na muntik na raw magsuntukan sina Robi Domingo at John Lloyd …

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …