Friday , November 15 2024

Gusot sa pagitan ni Lian, Batangas mayor at farm owner plantsado na

NATAPOS na rin ang gusot sa pagitan ng may-ari ng isang farm at mga nagrereklamong tindero ng karneng baboy sa Lian, Batangas. Ito’y matapos magkasundo ang mga tindero na iurong ang kanilang petisyon laban sa DV Boer Farm na pinamumunuan ni Dexter Villamin Una nang hilingin ng mga tindera sa palengke kay Lian Mayor Isagani I. Bolompo na ipasara ang talipapang pinangangasiwaan ng DV Boer Farm sa Barangay Prenza dahil sa pagbebenta ng mas murang halaga ng mga  karneng baboy.

Sa  liham na ipinadala ng mga nagrereklamong tindera  sa Alkalde, inireklamo ng mga tindero na lubhang mababa ang presyo ng karneng baboy sa talipapa kung kaya’t nakaaapekto nang malaki sa kanilang pagtitinda.

Ngunit sa kanilang paghaharap sa tanggapan ng alkalde, ipinaliwanag ni Villamin, President at CEO ng DV Boer Farm na kaya mas mababa  ang  presyo ng kanilang karne dahil sa ang mga nag-aalaga ng kanilang baboy ay kaniyang mga kapitbahay lamang.

Sabi ni Villamin, ang mga baboy  na kanilang itinitinda sa talipapa ay kanyang  pina-alagaan sa kanilang  mga kapitbahay na walang hanapbuhay at gustong pumasok sa farm kung kaya’t lumalabas na mas mababa ang puhunan dito.

Mayroong  mahigit sa 200 trabahador ang Boer Farm kung sakaling ipasasara ito ni Mayor at ipatigil ang pagbebenta ng mas murang karne sa talipapa ay maraming mawa­walan ng trabaho.

Maliban sa mga trabahador, tinutulungan din ng DV Boer ang komunidad sa pamamagitan ng pagbibigay ng puhunan sa tulong ng DV Boer Micro Finance para mabigyan sila ng hanapbuhay. Ito ay sa pamamagitan ng pagpapahiram ng salaping kapital nang walang collateral at walang interest at kapag iha-harvest na ang kanilang baboy, iti-tinda na sa talipapa sa murang halaga.

Ang nakatutuwa, inalok ng tulong ni Villamin ang mga nagpepetisyong mga tindera ng tulong na puwede rin mag-alaga ng mga baboy para madagdagan ang mga kita nila.

***

Nagkaroon ng biruan na hindi kaya tatakbo sa politika  si Villamin? Isa ang naging tugon ng Farm owner, “hindi siya interesado!”

BACLARAN VENDORS GUTOM
NGAYONG KAPASKUHAN

Posibleng magutom ngayong darating ang vendors sa Baclaran dahil matigas ang desisyon ng MMDA na ipagpatuloy ang clearing operations sa nasabing barangay. Hindi na aniya nawalan ng dahilan ang vendors, kapag araw ng Pasko, araw ng pasukan ng mga bata, kesyo walang maipantutustos sa pag-aaral, magiging malungkot ang kanilang Pasko.

Ilang dekada nang umiiral ang mga ganitong dahilan, dahil ang illegal vendors ay nabuhay sa pagtitinda, ito na ang kanilang career sa buong buhay nila! Kung walang forever sa nag-iibigan, sa illegal vendors, may FOREVER!

Sabi ni Parañaque City Administrator Ding Soriano, papanatilihin ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Parañaque ang kaayusan ng mga vendor ngayong Kapaskuhan, ngunit posibleng hindi mapagbigyan ang marami dahil sa isinasagawang clearing operations ng administrasyong Duterte na kailangan sundin.

About Amor Virata

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *