Friday , April 18 2025
TRABAHO Partylist, may malasakit sa mga kababaihang nasa laylayan ng lipunan

TRABAHO Partylist, may malasakit sa mga kababaihang nasa laylayan ng lipunan

MULING pinagtibay ng TRABAHO Partylist ang kanilang pangako na tugunan ang mga sistematikong balakid na kinakaharap ng mga kababaihang nasa laylayan ng lipunan, lalo sa larangan ng trabaho.

Ito ay bilang pagsuporta sa mga programa ng Philippine Commission on Women (PCW) para sa National Women’s Month,

Binibigyang-diin ng kampanya ng PCW ang kahalagahan ng gender inclusivity at ang pangangailangan ng mga patakarang magpapalakas sa kababaihan, partikular sa mahihirap at hindi gaanong napaglilingkurang sektor.

Kamakailan ay nag-ikot ang mga kababaihang miyembeo ng grupo na pinangungunahan nina celebrity advocate Melai Cantiveros-Francisco, at nominees na sina Atty. Johanne Bautista, at Ninai Chavez sa iba’t ibang lugar sa mga lungsod ng Pasig, at Malabon upang magbigay inspirasyon sa mga kapwa kababaihan at manggagawa.

Ayon kay TRABAHO Partylist spokesperson Atty. Mitchell-David L. Espiritu, pangunahing adbokasiya ng partido ang pagsusulong ng mga patakarang tutugon sa pangangailangan ng mga kababaihang mahihirap, na patuloy na nakararanas ng matinding hamon sa larangan ng ekonomiya, lipunan, at politika.

Bagamat bumubuo ng malaking bahagi ng labor force ang kababaihan, marami pa rin ang nakararanas ng mababang sahod, limitadong oportunidad sa promosyon, at kawalan ng seguridad sa trabaho, lalo sa mga kababaihang kabilang sa sektor ng mga magsasaka, katutubo, at maralitang tagalungsod.

Binanggit din ni Atty. Espiritu ang plataporma ng partido na lumikha ng pangmatagalang kabuhayan para sa mga nasa laylayan, lalo na ang kababaihan. Kabilang dito ang pagpapalawak ng mga vocational at technical training programs na angkop sa pangangailangan ng kababaihan, kabilang ang mga nasa malalayong probinsya.

Bukod sa mga kasanayan, isinusulong din ng TRABAHO Partylist ang pagkakapantay-pantay sa sahod sa pamamagitan ng mas mahigpit na pagpapatupad ng mga batas sa paggawa. Ipinapanawagan ng grupo ang masusing pagbabantay sa pay equity upang matiyak na walang diskriminasyon at pagsasamantala sa kababaihan sa lugar ng trabaho.

Bininigyang-pansin din ng TRABAHO Partylist ang pagsuporta sa mga babaeng negosyante, lalo ang nasa impormal na sektor, na maraming kababaihan sa laylayan ang nagtatrabaho.

Ipinapanukala ng partido ang mas madaling pag-access sa microfinance programs, pagsasanay sa pagnenegosyo, at mga patakarang magpapalakas sa mga negosyong pinamumunuan ng kababaihan, na mahalaga sa pagpapalago ng lokal na ekonomiya at pag-unlad ng mga komunidad.

About hataw tabloid

Check Also

Tour of Luzon The Great Revival a complete package

Tour of Luzon ‘The Great Revival’ a complete package

Ang Tour of Luzon a complete package ng isang multi-stage race sa pagbabalik ng kilalang …

Philippine Aquatics Inc PAI Water Polo

PH Youth squads sasalang sa Malaysia Water Polo tilt

ANG Philippine Aquatics, Inc. (PAI) ay bumuo ng 30-man Philippine Junior Teams (lalaki at babae) …

PVL Rookie Draft 2025

Matapos ang Makapigil-hiningang Finals, PVL tumutok sa Rookie Draft Mode

KAMAKAILAN lang mula sa kapana-panabik na pagtatapos ng Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference Finals …

Sarah Discaya

Walang Katotohanan sa Umano’y Pang-aabuso sa PWD sa Pasig

ISANG residente ng Lungsod ng Pasig na lumahok sa pamamahagi ng bigas—kung saan na-interview ang …

Imelda Aguilar Dalia Varde Khattab

Pambato ng Las Piñas sa 2025 Binibining Pilipinas bumisita kay Mayor Aguilar

MALUGOD na tinanggap ni Mayor Imelda “Mel” Aguilar sa kanyang tanggapan ang 21-anyos Filipino-Egyptian actress …