Saturday , March 15 2025
ABP Party List FDNY MOVEMENT Goitia

Dr. Jose Antonio “Ka  Pep” Goitia, nagpakita ng pagmamahal sa bayan!
ANG BUMBERO NG PILIPINAS (ABP) Party List, FDNY MOVEMENT NANGUNA SA KILOS-PROTESTA

NAGPROTESTA  ang isang bagong   kilusan na  kinabibilangan  ibat-ibang grupo ng makabayang  Pilipino sa harap ng Embahada  ng Tsina sa Makati upang tahasang  tutulan  ang pagpapakalat ng mga  maling impormasyon upang maangkin ang isla ng Palawan.

Ang daan-daang  Pilipino na nasa ilalim ng Filipinos  Do Not Yield  Movement (FDNY-Movement) na  nagtipon-tipon sa harap ng  embahada ay nagsabing isang lantarang  pambubully sa   karapatan ng Pilipinas  at paglapastangan sa bawat mamamayang Pilipino

Sa pamumuno ni Dr. Jose Antonio “Ka  Pep” Goitia, first nominee ng ANG BUMBERO NG PILIPINAS (ABP) party list ang ginawa nilang protesta ay pagpapakita  ng kanilang pagmamahal sa bayan at makabayang  pagtindig laban sa  agresibong  pagpapalawak ng teritoryo ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

“Dapat  nang wakasan ang kalokohang ito. Hindi namin papayagan na   agawin ang aming   mga teritoryo  at mga karapatan sa loob ng  ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas  alinsunod sa United  Nations Convention of the Law  of the Sea (UNCLOS) at maging sa naging desisyon ng Permannet Court of Arbitration sa  The Hague  noong Hulyo 12, 2016 na walang basehan  ang “historical rights na iginigiit ng  Tsina pahayag ni Goitia.

Hinikayat din ni Goitia na panahon  na upang tumindig  at magkaisa ang mga Piipino dahil ito ay usapin ng bansa at pag-agaw ng  ating sariling lupa at teritoryo.

“Ito at lantarang pagyurak at pag-alipusta sa ating mga Pilipino.  Ang pagbaluktot sa katotohanan ay hindi makatuwiran ayon pa kay Goitia.

Sa panayam  kay Goitia na Chairman Emeritus din ng koalisyon iba  pang malalaking grupo na kinabibilangan ng  Peoples Alliance for Democracy and Reform (PADER), the Alliance of Filipino Kabalikat sa Demokrasya (ABKD) at Liga ng Independencia ng  Pilipinas ( LIPI ) at ( KAMPIL ) Kalipunan ng Masang Pilipinoay nagpahayag na   masusundan pa ng ibat-ibang  pagkilos  ang naunang protesta kung hindi kikilalanin  at irerespeto ng Tsina   ang international marital laws. (BONG SON)

About Bong Son

Check Also

Arrest Shabu

Higit P1.2-M shabu nasamsam, 2 armadong tulak tiklo sa Bulacan

SA KAMPANYA laban sa ilegal na droga at baril, naaresto ng pulisya ang dalawang hinihinalang …

Antonio Carpio Sara Duterte Chiz Escudero

Carpio kay Chiz  
EBIDENSIYA PROTEKSIYONAN VS VP SARA

Antonio CarpioSara Duterte Chiz EscuderoKASUNOD ng panawagan ng 1 Sambayan na simulan  ng Senado ang …

031325 Hataw Frontpage

FPRRD ‘di biktima, kundi mga pinatay sa war on drugs — Solons

ni GERRY BALDO NANAWAGAN sa publiko ang dalawang lider ng Quad Committee ng Kamara kahapon, …

Robin Padilla Rodrigo Duterte Bong Go Philip Salvador

Robin mapanindigan kayang samahan si Digong?;  Ipe emosyonal

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MULI na namang nahahati ang showbiz world nang dahil sa mga …

TRABAHO Partylist nanawagan nang mas malawak na PWD inclusivity sa trabaho

TRABAHO Partylist nanawagan nang mas malawak na PWD inclusivity sa trabaho

BILANG tugon sa mga hamon na kinakaharap ng persons with disabilities (PWDs) sa paghahanap ng …