Monday , December 23 2024

Fotobam waging salita ng taon (Iniluwal ng ‘Torre de Manila’)

100716-michael-charleston-chua-fotobam
FOTOBAM ang hinirang bilang salita ng taon, sa Sawikaan 2016 na ginanap sa University of the Philippines-Diliman (UP Diliman). Ang parangal ay iginawad ng Filipinas Institute of Translation (FIT) at ng Pambansang Alagad ng Sining, Virgilio S. Almario, kay Michael Charleston Chua na siyang nagnomina sa naturang salita.

ITINANGHAL ang “fotobam” bilang Salita ng Taon makaraang mangibabaw sa sampung salita na lumahok sa Sawikaan 2016.

Napili ng mga hurado ang naturang salita sa ikalawang araw ng idinaraos na Pambansang Kumperensiya sa Wikang Filipino na ginanap sa Diliman campus ng Unibersidad ng Pilipinas (UP), kahapon.

Bukod sa board of members ng Filipinas Institute of Translation (FIT) na nanguna sa paligsahan, kabilang din sa mga hurado ang pambansang alagad ng sining at tagapangulo ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), Virgilio S. Almario.

Disyembre ng nakaraang taon nang buksan ng FIT ang kanilang tanggapan para sa mga nagnanais lumahok sa Sawikaan 2016, at doo’y pinili ang 10 sa pinakalohikal na abstract na pinasa.

Layunin ng programang ito na makapag-ampon ng mga makabagong salita na madalas nagiging bukang-bibig ng makabagong henerasyon.

Ayon kay Eilene Narvaez ng FIT,  malaking porsiyento sa pagpili nila ng magwawagi ang kaugnayan ng salita sa kultura at lipunan ng Filipino.

100716-michael-charleston-chua-fotobam-almario
FOTOBAM, hugot, at milenyal ang tatlong salita na ginawaran at kinilala sa Sawikaan 2016 na ginanap sa University of the Philippines (UP Diliman) kahapon. Bukod sa fotobam ni Michael Charleston Chua, kapwa nakatanggap ng sertipiko ng pagkilala sina Junilo Espiritu para sa “hugot” at Jayson Petras para sa “milenyal” na ipinagkaloob ng Filipinas Institute of Translation (FIT) at ng Pambansang Alagad ng Sining, Virgilio S. Almario.

Isang factor na tiningnan nila ang masuri at maaral ang mga papel na ipinasa ng mga nominado. Bukod doon, may porsiyento rin ang presentasyon na ginawa nila sa kumperensya kahapon.

Nakatanggap ng ikalawang gantimpala ang salitang “hugot” habang ikatlo naman ang “milenya.”

Bagaman hindi makatatanggap ng cash prize ang pito pa sa mga nominadong salita, nilinaw ng FIT na lahat ng mga nominado ay itinuturing na salita ng taon.

Kabilang sa mga salitang iyon ang “hugot,” “milenyal,” “bully,” “meme,” “lumad,” “foundling,” “netizen,” tukod,” at “viral.”

Nanguna din ang lahok ni Chua sa “People’s Choice Award” na idinaan sa botohan ng mga delegado na lumahok sa ikalawang araw ng Pambansang Kumperensiya sa Wika kahapon.

Katuwang ng FIT ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), National Center for Culture and the Arts (NCCA), at ang Kolehiyo ng Education ng UP Diliman hanggang sa huling bahagi ng naturang kumperensiya, ngayong araw.

100716-torre-de-manila-rizal

Fotobam iniluwal ng ‘Torre de Manila’

INILUWAL ng photobomber na Torre de Manila ang nagwaging salita ng taon sa ikalawang araw ng Pambansang Kumperensiya sa Wikang Filipino na ginanap sa Diliman campus ng Unibersidad ng Pilipinas (UP), kahapon.

Ang fotobam ay lahok ng historian na  si Michael Charleston Chua.

Itinuturing ng mga eksperto na ang fotobam ay pandiwa na ang ibig sabihin ay sirain ang eksena sa pamamagitan ng pagsingit sa kuwadro ng kamera habang may kinukunan ng retrato.

Sa panayam kay Chua, isang historian at nagnomina ng salita, itinuturo niyang susi sa pagkapanalo nito ang historical issue na nakakabit sa salitang dinepensahan niya.

Nag-ugat ang proposal niya sa suliranin sa Torre de Manila, na kalaunan ay binansagang “pambansang photobomber,” matapos ireklamong nakasisira sa isa sa pinakamakasaysayang lugar sa bansa na madalas na dinarayo ng mga turista.

Kabilang sa mga salitang napili, ang “hugot” ni Junilo Espiritu na nagkamit ng ikalawang gantimpala at “milenyal” ni Jayson Petras na nakatanggap ng ikatlong gantimpala.

Ang “bully,” “meme,” “lumad,” “foundling,” “netizen,” “tukod,” at “viral” ay ilan sa mga salitang nominado.

Umaasa si Chua na ang pagkilala sa “fotobam” bilang Salita ng Taon ay maging paalala sa mga Filipino na hindi pa patay ang issue.

“Medyo matamlay na ‘yong issue, hindi na napag-uusapan. Pero sa katotohanan, patuloy ang hearing na ito at hihintayin natin ang magiging desisyon ng korte” ani Chua.

Kabilang sa mga hurado na pumili sa salita ng taon ang board of members ng Filipinas Institute of Translation (FIT) at ang Pambansang Alagad ng Sining, Virgilio S. Almario, na pawang mga dalubhasa sa lingguwistika.

Nakatakdang isagawa ang susunod na Sawikaan sa taon 2018, sa pangunguna pa rin ng FIT.

nina Kimbee Yabut at Joana Cruz

About Joana Cruz Kimbee Yabut

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

BingoPlus Chelsea Manalo Feat

BingoPlus welcomes Miss Universe Asia Chelsea Manalo home

BingoPlus, your comprehensive digital entertainment platform in the country, has always been supportive of Chelsea …

BingPlus PANA feat

BingoPlus empowers brand partners before the year ends

BingoPlus, your comprehensive digital entertainment platform in the country, upheld the Christmas party of the …

ASIN Center Salt Innovation for a Better Future

ASIN Center: Salt Innovation for a Better Future

DOST Undersecretary for Regional Operations, Engr. Sancho A. Mabborang together with DOST 1 Regional Director, …

CasinoPlus FEAT

Casino Plus Celebrates Unprecedented Wins in Color Game Big Win Jackpot, Welcomes 21 New Multi-Millionaires within first month of launching

Casino Plus recently achieved a major milestone, marked with a celebratory press conference held on …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *