Friday , November 15 2024

Libro sa ekonomiks ng DepEd ‘mahina’

“HINDI matibay ang pundasyon ng mga aklat sa ekonomiks na ipinamamahagi ng DepEd.”

Ipinahayag ito ni Dr. Agustin L. Arcenas, propesor ng Ekonomiks sa University of the Philippines – Diliman, sa pagbubukas ng Pambansang Kumperensiya sa Wika at  Sawikaan 2016 ng Filipinas Institute of Translation (FIT) kahapon.

Sa nasabing programa, inihayag ni Arcenas na hindi “advanced” ang mga aklat sa Ekonomiks na inilathala ng Department of Education (DepEd).

Dagdag ng propesor at masigasig na tagasulong ng paggamit ng Filipino sa pagtuturo, naglalaman ang mga aklat ng mga paksang hindi “necessary” o gaanong mahalaga sa pag-aaral ng Ekonomiks.

Bilang halimbawa, binanggit niya ang mga naging lider ng NDAF na aniya’y hindi nakatutulong sa aplikasyon ng ekonomiks.

Kamakailan ay magkatulong na nagsagawa ng pananaliksik ang College of Economics at College of Education sa mga kasalukuyang aklat-ekonomiks na inilabas ng DepEd, na nagtulak sa kolaborasyon ng dalawang kolehiyo na maglabas ng isang manual o module na magsisilbing gabay ng mga guro sa Ekonomiks.

Ayon kay Arcenas, dahil mahina o mali ang kaalaman sa Ekonomiks ng mga estud-yanteng pumapasok sa kolehiyo kaya hindi buo o mahina ang konsepto na natutuhan nila noong high school.

Bilang sagot sa problemang iyon, bahagi ng proyekto na nais isulong ng grupo ni Arcenas, ang pagsasagawa ng training para sa mga guro ng mga pampublikong high school sa paggamit ng module na ilalathala.

Bagaman naudlot ang proyekto dahil sa problema sa pondo, binanggit ng propesor na 80% ng proyekto ang tapos na at pagsasalin na lang ang natitirang gawain.

Aniya, kompleto na ang lalamanin nito at pondo na lang ang pinag-iigihan na mahanap.

Maging si Dr. Mario Miclat, puno ng National Committee on Language and Translation (NCLT), ay may napuna sa mga aklat sa siyensiya na inilathala ng DepEd.

Ayon kay Miclat, outdated ang mga libro sa siyensiya at hindi nakasusunod sa kaunlaran ng siyensiya sa kasalukuyan.

Samantala, kaagapay ng FIT sa kumperensiyang magtatagal hanggang bukas, ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), National Center for Culture and the Arts (NCCA) at UP College of Education.

nina Kimbee Yabut at Joana Cruz

About Joana Cruz Kimbee Yabut

Check Also

Krystall Herbal Oil, mosquito bite, Kagat ng lamok

‘Papak ng lamok’ sa Dengue season pinahina ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Krystall herbal products

OFW tuwang-tuwa sa mga pabaon na produktong Krystall ng FGO

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sister Fely Guy Ong, Ako po ay …

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

Dr. Teresita A. Tabaog, Regional Director of the Department of Science and Technology Region 1 …

Hotel Sogo NCIP MOU Signing

Hotel Sogo and NCIP Forge Partnership to Support Indigenous Communities

A Memorandum of Understanding (MOU) was signed between the Hotel Sogo and National Commission on …

NIVEA South Korea

Nivea’s 10 out of 10 care celebration continues, empowering you to embrace your glow

NIVEA, your trusted skin care partner, recently marked a significant milestone in its commitment to …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *