“She was a princess for Filipinos.”
Ito ang paglalarawan ni Bishop Emeritus Ted Bacani sa namayapang senadora na si Miriam Defensor Santiago .
Ayon kay Bishop Bacani, ang ibig sabihin ng “Miriam” ay princess, prinsesa.
Hindi man aniya siya prinsesa ng geographic location siya ay prinsesa sa puso ng mga Filipino.
“No one can deny this: That in this imperfect world where many of us are tainted with sin, Miriam stands out as a princess — a princess who can stand not proudly but with dignity before the tribunal of God,” wika ni Bishop Bacani.
Sina Bishop Bacani at Bishop Honesto Ongtioco ang nag-preside sa funeral mass para sa yumaong senadora na inihatid na sa huling hantungan kahapon sa Loyola Memorial Park sa Marikina City.
( ED MORENO )