Friday , November 15 2024

Pulis San Juan utas sa sekyu, 1 pa sugatan

PATAY ang isang tauhan ng San Juan PNP na nakatalaga sa anti-drug operations, nang barilin ng security guard kamakalawa ng gabi sa San Juan City.

Sa ulat ng Eastern Poplice District (EPD), kinilala ang biktimang si SPO2 Abundio Panes, operatiba ng Police Station 4 at miyembro ng Station Anti-Illegal Drugs (SAID) ng San Juan City Police.

Sa imbestigasyon, dakong 8:45 pm nagkaroon ng komosyon malapit sa San Juan Coliseum dahil hinahabol ni Panes ang isang lalaki na kinilalang si Manuel Obar Llangos alias Manoling.

Si Llangos, sinasabing isang drug pusher sa Brgy. Batis ng lungsod, ay hinabol ni Panes at binaril kaya tinamaan.

Ngunit nang makita ni Louie Magdag, miyembro ng intelligence security office ng sabungan, si Panes na may hawak na baril ay pinaputukan ang pulis na nagresulta sa kanyang pagkamatay.

( ED MORENO )

About Ed Moreno

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *