“Federalism to me, is the key to the peace process in Mindanao,” pahayag ni retired AFP chief, ngayo’y national security adviser Hermogenes Esperon kahapon.
Ayon kay Esperon, hindi makakamit ang kapayapaan sa Mindanao hangga’t hindi ipinatutupad ang federalismo sa Filipinas.
Taon 1997 hanggang 2008 aniya, nang sinimulan nila ang negosasyon sa MILF pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nasosolusyonan.
“We cannot accommodate their aspiration without federalism,” pahayag ni Esperon.
Diin niya, “sa ganitong paraan lamang makakamit ang kapayapaan sa Mindanao na magbibigay ng extra powers katumbas sa federal state.”
“I joined the campaign of Duterte on a common platform and that is federalism,” ani Esperon.
Kasabay din ng pag-alala sa ika-44 anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law, inihayag niya ang paniniwalang hindi idedeklara ng pangulong Duterte ang batas militar.
Ang pagnanais aniya ng federalismo ng Pangulo ay isang patunay na hindi nanaisin ng pangulo ang Martial Law.
( Kimberly Yabut/Joana Cruz )