AYON kay Colangco, inatasan siyang mag ipon ng P3M kada buwan para kay De Lima. Si Herbert Colangco ay isang convicted armed robber and drug dealer.
Simila 2013 palang, buwan ng Oktubre umano’y nagre-remit na si Colangco ng pera kay De Lima. Lumapit umano si JB Sebastian sa kaniya upang humngi ng tulong kung paano maiipon ang pera na kailangan ni De Lima para sa kaniyang pangangampanya.
Dahil hindi umano niya nakakausap si De Lima nang magsimula siyang mag-remit dito, tinanong niya si Jonel Sanchez, security aide ni De Lima, kung puwede niyang makausap si De Lima kung nakukuha nga ang pera.
Nang tinawagan niya ito at marinig niya ang boses ng babae, 100% sigurado raw siya na si De Lima sapagkat naririnig niya raw sa TV ang boses ng senador.
Colangco asked De Lima kung natatanggap ba niya ang P3M simula Oktubre 2013. Ang sagot daw nito, “Okay, okay. Thank you.”
Ibinigay ni Colangco ang number na kaniyang tinawagan sa pagdinig kahapon, at ito naman ay agad na-verify ni Cebu representative Gwendolyn Garcia.
CAYETANO VS DE LIMA
Noong Lunes, habang nagbibigay ng kaniyang privilege speech si Sen. Alan Peter Cayetano, nag-walkout si Sen. Leila De Lima.
Sinabi ni Cayetano, sa kagustuhan ni De Lima na masira si PRESD30, nawawala na rin ang integridad at reputasyon ng Senado. Lalo na ang magandang imahe ng ating bansa ay nasisira na rin sa buong mundo.
Dagdag niya, hindi nagiging patas si De Lima bilang chairperson ng Senate Justice Committee. Aniya, imbes pagtuunan ng atensiyon ang problema sa extrajudicial killing ay nalilihis ni De Lima ang isyu papunta kay PRESDU30.
Inamin ni De Lima na siya ay nag-walkout dahil hindi na niya kaya pang marinig ang mga sinasabi ni Cayetano.
Kahapon sa privilege speech ni De Lima, inihayag niya ang sama ng loob kay Cayetano.
GORDON: BAGONG CHAIRMAN
NG SENATE COMMITTEE
Matapos maghain ng mosyon si Sen. Manny Pacquiao na gawing bakante ang committee chairmanship, nagkaron ng botohan kung aaprubahan ba ito.
Ang botahan ay may resultang 16-4-2. Umabot sa 16 senators ang umayon. Agad ini-nominate ni Senate Majority Leader, Tito Sotto si Sen. Dick Gordon.
With no opposition, si Gordon ay naideklarang bagong chairperson ng panel. Ang posisyon ay tinanggap ni Gordon at ipinangako ang isang “objective” hand sa committee.
MGA KUWENTO NI MRS. OX – Marnie Stephanie Sinfuego