Monday , December 23 2024

Pimentel nagsalita na tungkol sa bangaang Cayetano at Trillanes

Desmayado si Senate President Aquilino “KOKO” Pimintel III sa naging pagtatalo nila Senador Cayetano at Trillanes sa Senate hearing noong Huwebes.

Hindi nagustuhan ng Senate President ang ginawang pagpatay ni Trillanes sa mic ni Cayetano. Aniya, “Magkapantay kayo. Respeto lang po.”

Kamakailan ay tila nagsabong sina Trillanes at Cayetano sa senate. Dahilan upang isuspinde pansamantala ni Sen. De Lima ang sesyon, upang pahupain ang tensyon sa pagitan ng dalawa. Ngunit, patuloy parin ang naging argumento ng dalawang senator.

Nasabi ni Pimentel, na bilang panel chairperson, responsibilidad ni De Lima na iclarify sa Senate ang batas tungkol sa oras na binibigay sa mga senator para sa kanilang pagtatanong.

GMA ABSWELTO SA HULING KASO

2 months pagkatapos ibasura ng Korte Suprema ang plunder case ng dating pangulo kaugnay ng pagkakasangkot niya umano sa pag gamit ng P366 million intelligence fund ng PCSO, ay napawalang bisa narin ang kahuli hulihang kaso ng graft & corruption laban sa dating pangulo.

Ang mga kaso ni GMA ay napawalang bisa, dahil walang klaro at matinding ebidensiya na nagtuturo na si GMA ay tumanggap ng pera mula dito.

Laking pasasalamat ni Lawrence Arroyo, abugado ng dating pangulo na naibasura lahat ang kaso laban sa kaniyang kliyente. Para sa kaniya, ang naging desisyon ng korte ay magbibigay ng bagong simula sa Ginang.

MGA PINOY ARESTADO SA THAILAND

Ang mga Pilipino na naaresto ay  kinilalang sina Bien Mulobuko 27, Chapoco Velarde 65, Mallari Sofia 56, Ebueza Carpio 27 at Canoy Carpio 58.

Mga 6PM, Sept.7 ng mapansin ni Poramin Thaharian, may ari ng isang jewelry booth, na nawawala ang necklace sa display cabinet. Agad tumawag ng police si Thaharian , at pinakita ang CCTV ng incidente.

Mabilis namang umaksyon ang mga pulis at naiforward agad ang nasabing CCTV footage sa mga opisyal ng Don Mueang Airport, sa pag asang mahaharang ang mga suspect kung sakaling aalis ang mga ito.

Di naman nagkamali ang mga awtoridad. Sept.12 bago magboard sa kanilang flight ang mga suspect pabalik sa Pilipinas ay naaresto na ang mga ito at nakita ang nasabing necklace sa kanilang bagahe.

Napag alamang ang necklace ay may halagang THB300,000 o katumbas ng mahigit P400,000 dito sa ating bansa.

GRUPO NG MGA BATANG PALABOY SA TAGAYTAY CITY

May grupo ng mga menor de edad na bata na nagkalat ngayon sa mga lugar malapit sa Robinson Tagaytay. Isang beses tinanong ko sila kung taga saan sila, ang sagot nila, “Sa Dasma”. Tinanong ko kung bakit sila nandito pero hindi na sumagot ang mga ito.

Ako ay likas na maawain ngunit sa pagkakataon na ito ay hindi ko magawang maawa. Ang paniniwala ko, kung magbibigay ako ng limos o pagkain sa kanila ay kukunsintehin ko lang ang mga batang ito.

Ang ilan pa sa mga batang ito, ay sumasakay sa jeep at nanglilimos sa mga pasahero. Worst, ang iba ay marunong narin humithit ng sigarilyo . Ewan ko rin naman sa mga tindahan na ito kung bakit nagbebenta ng yosi sa kabataan.

Ang mga kabataan na ito ay hindi mga ulila. Baka may problema sa mga magulang o talagang nagrerebelde lang.

Sa pagkakaalam ko, ang curfew ay 10 ng gabi. Pero kahit pasado 10 na ay pakalat kalat parin ang grupo na ito. Sana maikutan ito ng Tagaytay Police at maibalik ang mga batang ito sa pamilya nila sa Dasmariñas, kung doon nga talaga sila nakatira.

MGA KUWENTO NI MRS. OX – Marnie Stephanie Sinfuego

About Marnie Stephanie Sinfuego

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *