I like it when a flower or a little tuft of grass grows through a crack in the concrete. It’s so fuckin’ heroic. — George Carlin
PASAKALYE: Muling nakakuwentohan ng inyong lingkod si ex-senator Juan Ponce Enrile at gayon din ang dating minister for public information ni Pangulong Ferdinand Marcos na si ex-senator Francisco ‘Kit’ Tatad.
Masuwerteng nakaharap natin muli ang dalawa dahil kahit malapit nang magretiro, mayroon pa rin silang mahalagang opinyon at pananaw mula sa nakalipas para sa mga kaganapan ngayon na maaaring maging giya sa ating kinabukasan.
Tunay ngang may halaga ang mga kasabihan ng matatanda…kailangang lumingon tayo sa ating pinanggalingan para makarating tayo sa ating paroroonan…
PINAYUHAN ni dating Sen. Enrile si Pangulong Rodrigo Duterte na maging maingat sa kanyang mga desisyon dahil mahalagang mapag-aralan umano ang lahat ng anggulo ng isang usapin o isyu para magkaroon ng wastong larawan sa buong situwasyon na pagbabatayan ng dapat tahaking landas o gagawing aksiyon.
Tulad ng usapin sa West Philippine Sea, na ang isyu ay territorial at maritime rights ng ilang bansa, kabilang ang Filipinas. Dito’y nahaharap tayo sa krisis dahil ang nasa kabilang bakuran ay higanteng People’s Republic of China na nagsimula nang sakupin unti-unti ang pinag-aawayang bahagi ng karagatan.
Kung sa labanan o digmaan, hindi tayo basta magwawagi sa China. Maaaring makatsamba ngunit wala itong katiyakan dahil mas malakas ang kanilang hukbong pandagat kaysa atin.
Dangan nga lang ay umaasa tayong tutulungan tayo ng ating American Big Brother…
Pero dapat ba tayong umasa talaga?
Ang totoo, maselan ang ating kalagayan dahil pareho nating ayaw magtampo ang magkabilang panig, ang US at China.
So ano ang dapat nating gawin?
Paano natin poprotektahan ang ating integridad bilang bansang may kalayaan habang hindi mapapahiya sa buong mundo?
Walang magbabago
WALA umanong magbabago sa relasyon ng Filipinas at ng Amerika sa kabila ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na pagpapaalis sa tropa ng Kano sa Mindanao. Hindi raw maaapektohan ang Enhanced Defense Cooperation Agreeement (EDCA) at Visiting Forces Agreement (VFA) na nagpapahintulot sa mga sundalong Amerikano na lumahok sa joint exercises ng militar sa bansa. Ilang US troops ang ngayon ay nasa Zamboanga upang magbigay ng mga pag sasanay at mga impormasyon na nasagap nila. Hanggang dito lamang ang puwedeng gawing hakbang ng militar ng Amerika matapos ipagbawal sa 1987 constitution ang foreign troops na lumahok sa operasyon ng militar.
Sabi ng Pangulo kinakailangan nang umalis ng mga sundalong kano sa Mindanao dahil sila naman ang pupuntiryahin ng mga rebeldeng grupo, mas lalo pa umano magiging malala ang situwasyon. Kung sabagay mas malaki ang posibilidad na lalong tumaas ang tensiyon at lalong maging agresibo ang mga rebelde partikular ang Abu Sayyaf kung makikigulo ang mga sundalong kano. Posibleng isa ito sa dahilan kung bakit nagpahayag si Digong ng pagpapaalis sa tropa ng Amerika. Matatandaan rin sa mga nauna niyang pahayag na hindi niya hahayaaan manghimasok ang mga dayuhang bansa sa problemang panloob ng bansa. — Nikki Serrano ng Baguio City ([email protected], Setyembre 14, 2016)
Isang milyon kada ulo
MAGBIGAY ako ng isang milyon (P1M) kada ulo ng ABU SAYYAF. Dalhin dito sa bahay ko sa Delfina Village, Tagum, Davao del Norte…— Don Ondo Godinez (09265756396, Setyembre 9, 2016)
Puna sa mga anti-MARCOS
‘DI ba ‘pag galit ka sa isang tao e ayaw mo makita kahit bahay niya? E bakit si Marcos, puntahan pa sila sa PICC at sakayan pa sila sa LRT… si MARCOS ang nagpagawa (ng mga) ‘yan… — Anonymous (09777451386, Setyembre 7, 2016)
Killer ng Pandi vice
mayor natiklo
MAKALIPAS ang limang buwang pagtugis sa pangunahing suspek sa pagpatay sa dating vice mayor ng Pandi, Bulacan, naaresto sa San Ildefonso. Bago pa man ang halalan nitong nakaraang Abril, napatay si former vice mayor Roberto Rivera at siya mismo ang itinuturong triggerman na may kaparehas na paraan na nag-iiwan ng isang bala sa loob ng sasakyan ng kanyang biktima. Ito si ARIEL LORENZANA y ULFO, alyas ‘OGIE.’ Nadakip siya sa Barangay Pinaud sa loob ng e-game shop sa Bgy. Poblacion. Desidido si former Mayor Rico Roque na ibigay ang P100,000 na pabuya sa nakapagturo sa kinaroroonan ng suspek. Thanks po. — Ben Latigo (09430988030, Setyembre 5, 2016)
* * *
PARA sa inyong komento o suhestiyon, reklamo o kahilingan, magpadala lamang ng mensahe o impormasyon sa aking email na [email protected] o dili kaya’y i-text n’yo na lang ako sa aking cellphone numbers na 09054292382 para sa Globe at 0939122568 para sa Smart. Salamat po!
PANGIL – Tracy Cabrera